Mella's POVNanginginig ang aking mga kamay habang inaabot ko ang aking bag, ang aking mga daliri ay dumaan sa manila envelope sa loob. Pakiramdam ko ay napakabigat ng mga annulment papers, animo’y mas mabigat pa kaysa sa mga legal terms and condition na nakasulat doon. Kinakatawan ng mga ito ang kalayaan ko, o kahit papaano, iyon dapat ang layunin nito."Nakapagdesisyon na ako," mahina kong saad habang inilalabas ang envelope. Tila sumikip ang silid ng ospital sa paligid namin, at bumigat ang hangin dahil sa tensyon.Nakatuon ang mga mata ni Leon sa envelope, habang nagtatagis ang kanyang panga. "Ano iyan?""Alam mo kung ano iyan." Inabot ko ang mga papeles, mas matatag ang aking boses kaysa sa nararamdaman ko. "Pinirmahan ko na ang mga iyan."Matalim ang kanyang tawa, na umalingawngaw sa mga puting pader ng silid. "You can't be serious.""Ngayon lang ako naging ganito kaseryoso." Lumapit ako, at pinuwersa siyang kunin ang envelope. "Tapos na tayo, Leon. Anuman ang mayroon sa atin, an
続きを読む