“Kapag kasama mo ang ibang tao sa trabaho, napaka-composed mo. Professional ka sa lahat ng oras. Parang laging kalkulado ang bawat hakbang mo,” pagpapaliwanag niya habang nakatitig sa akin. “Pero kapag nasa bahay ka namin, kasama ang pamilya ko, nagiging ibang Rose Ann ka. Nagiging mas malambot ka, mas totoo, at mas masayahin.”Napangiti ako nang pilit. “Mas malambot daw? Hindi naman kaya.”“Hindi mo lang napapansin sa sarili mo,” aniya habang dahan-dahang hinawakan ang aking mga daliri. “Kapag kausap mo si Ate Mylene, tumatawa ka nang walang pag-iingat. Kapag nakikita mong pagod na si Kuya Kim sa trabaho, tinatanong mo agad kung kumain na ba siya. At kapag may ginagawa si Ate na nahihirapan siya, hindi ka na naghihintay na humingi siya ng tulong; kusa kang kumikilos.”Napatingin ako sa kaniya, namangha sa kaniyang mga sinabi. “Napapansin mo pala lahat ng maliliit na bagay na iyon?”“Lahat,” simpleng sagot niya. Isang salita lamang, ngunit may napakalalim na bigat. “Siguro doon ako n
Read more