Matapos ang ilang sandali ng mabigat na katahimikan, ako na rin ang unang bumasag sa espasyo sa pagitan namin. Kitang-kita ko pa rin ang bakas ng pagkalugi at pagkawasak sa mukha ni Jun, pero may kailangan pa kaming tapusin."May isa pa akong kailangang tapusin," basag niya sa katahimikan habang nakayuko.Napakunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?""Research ni Romnick."Napailing ako agad, mabilis na sumiklab ang inis sa dibdib ko. "Ilang research na ba ang ginagawa mo para sa kanya?"Napabuntong-hininga siya habang iniiwas ang tingin. "Dalawa.""Dalawa?" nanggigigil na tanong ko. "At iyong una, natapos mo na?"Tumango siya. "Oo.""Tapos ngayon, etong bago na naman?""Deadline bukas."Hindi na ako nakapagpigil. "Jun, huwag mo nang gawin."Nag-angat siya ng tingin, medyo nagulat sa diin ng boses ko. "Ano?""Narinig mo ako. Huwag mo nang gawin.""Pero kailangan niya—""Siya ang kailangan gumawa, Jun! Hindi ikaw!""Jayzel—""Hindi!" diretsong putol ko. Walang halong biro, buo ang desisyon k
Read more