LOGINNandoon si Jun, nakangiti habang kausap at todo-asikaso kay Aria. At habang pinagmamasdan ko sila mula sa malayo, unti-unting bumigat ang dibdib ko.Sayang.Napakasayang isipin. Sa lahat ng taong maaaring pagtuunan niya ng pansin, bakit kailangan pang si Aria? Bakit hindi niya ako makita? Bakit hindi niya kailanman napansin na nandito lang ako—matagal na, mas matagal pa kaysa sa inaamin ko sa sarili ko?Ako ang kasama niya sa maraming pagkakataon. Ako ang nakikinig sa mga walang katapusan niyang kwento. Ako ang nakakaalam ng mga maliliit niyang problema at pangarap sa buhay. Ako ang unang tumatawa sa mga corny niyang biro at laging handang dumamay kapag lugmok siya.Pero sa mga mata niya… kaibigan lang ako. Isang taong ligtas lapitan, pero hindi kailanman kayang tingnan nang higit pa roon.“Sayang naman…” mahina kong bulong sa hangin.Napapikit ako nang mariin. Siguro kasalanan ko rin naman ang lahat ng ito. Dahil hindi ko kailanman sinabi sa kaniya ang totoo. Paano niya malalaman kun
POV: Jayzel“Puwede pala talagang magpakasal kapag magkapatid ang magkabilang panig ng pamilya, no?”Napalingon ako kay Jun nang marinig ko ang tanong niya. Katabi ko siya habang pinagmamasdan namin ang mga bisitang unti-unting lumalabas sa bulwagan matapos ang napakagandang kasal nina Marco at Rose Ann.Napangiti ako nang mapait, pilit tinatago ang bigat ng sarili kong nararamdaman. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa tanong niya o hahanga sa pagiging inosente niya sa mundo.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.Agad siyang humarap sa akin, tila gustong-gustong ipaliwanag ang sariling pagkakaintindi sa komplikadong relasyon ng pamilya.“Ibig kong sabihin, tingnan mo kasi sila,” itinuro niya ang direksiyon nina Marco at Rose Ann. “Mag-best friend sina Ate Rose Ann at Ate Mylene. Tapos naging asawa ni Ate Mylene si Kuya Kim, na kapatid naman ni Ate Rose Ann. At ngayon, naging asawa naman ni Ate Rose Ann si Kuya Marco, na kapatid ni Ate Mylene.”Tumigil siya sandali at tila inayos sa
Umiling ako habang umiiyak nang may ngiti. “Marco…”“Hmm?”“Bakit hindi mo sinabi ang lahat ng ito noon pa?”Ngumiti siya nang banayad. “Dahil gusto kong sabihin sa iyo ito sa panahong handa na akong tanggapin anuman ang maging desisyon o sagot mo.”“Hindi ka ba natakot na baka huli na ang lahat?”“Takot na takot ako,” pag-amin niya. “Pero mas natatakot akong mabuhay nang buong buhay ko nang hindi ko man lang sinubukan o nalaman kung may pagkakataon ba tayo.”Napangiti ako habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. “Ang tamis mo naman magsalita ngayon.”“Ngayon lang ba?”“Hindi naman.”“E kailan pa?”“Matagal na rin naman,” pag-amin ko nang may halong biro.Napatigil siya sa kaniyang sinabi, nanlaki ang mga mata. “Ano kamo?”Hindi ako sumagot agad. Sa halip, ako naman ang humawak sa kaniyang pisngi at hinaplos ito nang buong lambing.“Alam mo ba kung kailan ko unang naramdaman na may iba na ring nararamdaman ang puso ko para sa iyo, Marco?”Umiling siya nang mabilis, naghihintay sa
Napangiti ako nang mapait. “Kaya pala medyo parang naging mas mabilis kang kumilos noon.”“Masaya ako, oo,” pag-amin niya. “Hindi ko itinanggi.”“Wala man lang kahit anong pormal na sympathy?”“Meron naman! Pero mas lamang lang talaga ang saya dahil alam kong may pagkakataon na akong maging totoo sa iyo.”“Ang kapal talaga ng mukha mo,” biro ko habang hinampas nang bahagya ang balikat niya.“Hindi ko naman na kailangang magtago pa noong mga panahong iyon,” seryosong wika niya. “Pero hindi rin ako nagmadali. Alam kong kakagaling mo lang sa isang mabigat na relasyon. Alam kong nasaktan ka at kailangan mo ng panahon para buuin muli ang sarili mo. At hinding-hindi ko gugustuhing maging isa pang tao na gagamit sa iyong kahinaan para lamang mapalapit sa iyo.”Napabuntong-hininga ako, labis na humanga sa kaniyang pagtitimpi at pagpapakumbaba.“Pero pagkatapos ng panahong iyon…” dagdag niya, “doon na ako naging mas halata sa mga kilos ko, tama ba?”“Very obvious,” sagot ko habang tumatawa.“S
“Kapag kasama mo ang ibang tao sa trabaho, napaka-composed mo. Professional ka sa lahat ng oras. Parang laging kalkulado ang bawat hakbang mo,” pagpapaliwanag niya habang nakatitig sa akin. “Pero kapag nasa bahay ka namin, kasama ang pamilya ko, nagiging ibang Rose Ann ka. Nagiging mas malambot ka, mas totoo, at mas masayahin.”Napangiti ako nang pilit. “Mas malambot daw? Hindi naman kaya.”“Hindi mo lang napapansin sa sarili mo,” aniya habang dahan-dahang hinawakan ang aking mga daliri. “Kapag kausap mo si Ate Mylene, tumatawa ka nang walang pag-iingat. Kapag nakikita mong pagod na si Kuya Kim sa trabaho, tinatanong mo agad kung kumain na ba siya. At kapag may ginagawa si Ate na nahihirapan siya, hindi ka na naghihintay na humingi siya ng tulong; kusa kang kumikilos.”Napatingin ako sa kaniya, namangha sa kaniyang mga sinabi. “Napapansin mo pala lahat ng maliliit na bagay na iyon?”“Lahat,” simpleng sagot niya. Isang salita lamang, ngunit may napakalalim na bigat. “Siguro doon ako n
“Hindi lang kita hinahanap at kinukumusta dahil gusto ko lang ng kasama sa mga panahong magulo ang mundo.”Huminga siya nang malalim. Ramdam ko ang bahagyang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib, at sa pagitan ng bawat salita ay para bang naririnig ko pati ang mabilis at marahas na kabog ng puso niya.“I love you, Rose Ann.”Saglit siyang tumigil, tila binabawi ang hininga bago ipinagpatuloy ang matagal nang kinikimkim.“Matagal na.”Tumigil ang takbo ng buong mundo ko sa simpleng apat na salitang iyon.Hindi dahil hindi ko kailanman naisip o naramdaman na maaaring may lihim na pagtingin siya sa akin. Sa totoo lang, sa mga nakaraang buwan, matagal ko nang napapansin ang mga maliliit at pambihirang detalye—ang paraan ng kaniyang tapat na pag-aalala, ang mga tinging mabilis niyang iniiwas kapag nahuhuli ko siyang nakatitig, ang kusa at walang-pasubaling paglapit niya kapag nararamdaman niyang pagod na pagod na ako, at ang kaniyang tahimik at matatag na presensiyang hinding-hindi kailanman hu
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga







