Namutla nang bahagya si Jureza, ngunit mabilis din siyang nakabawi. “Oo! Dahil ako ang girlfriend ni Jun! Ako ang nagdadalang-tao sa anak niya!”“Talaga?” tanong ni Jayzel nang may mapait na ngiti.“Tumigil ka na!” sigaw ni Jureza.“Kung iyan ang gusto mong paniwalaan nila.”“Jayzel,” tawag ko sa kaniya nang may pag-aalala.Napatingin siya sa akin. “Hayaan mo muna ako, Jun.”Tumango ako, ngunit bago pa siya makapagsalita muli, umalingawngaw ang pamilyar na boses ni Kim mula sa tabi namin.“Sa tingin ko, sapat na muna ang mga paratang at iyakan ngayong gabi.”Napalingon ang lahat sa kaniya. Nakatayo si Kim sa harapan ng entablado, hawak ang mikropono. Kalmado ang kaniyang mukha, ngunit may kakaibang bigat at awtoridad ang bawat salitang binibitawan niya.“Hindi naman natin kailangang magmadali,” pagpapatuloy ni Kim. “Dahil, sa totoo lang, parang hindi pa natin nakikita ang buong palabas.”Napakunot ang noo ko. Buong palabas?Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pagkakasabi ni Kim, nguni
Read more