“Oo! Kapag naglalakad tayo sa campus, bigla mo na lang akong aakbayan nang walang pasabi. Minsan, kapag tatawid tayo sa kalsada, hihilahin mo ako palapit sa katawan mo. Kapag malamig sa air-conditioned na library, yayakapin mo ako sa balikat habang magkatabi tayong nag-aaral.”Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “Hindi mo ba alam na sa tuwing ginagawa mo iyon, halos hindi na ako makahinga sa kaba?”Natahimik siya.“Akala ko kasi…” Napahinto ako at napatawa nang mahina sa sarili kong kamangmangan noon. “Akala ko, may malisya. Iniisip ko, bakit mo ako aakbayan kung wala kang nararamdaman? Bakit parang natural na natural sa iyo na ilapit ako sa iyong katawan? Bakit hindi mo naman ginagawa iyon sa ibang babae?”“Jayzel, I—”“Hindi pa ako tapos, Jun.”Muli siyang tumahimik.“Ang masama pa, kapag napapansin kong nakatingin sa atin ang ibang tao, lalo akong kinikilig. Iniisip ko, baka akala rin nila, kami na. Minsan, may mga kaklase pa tayong nagtatanong kung tayo na ba.”Napangiti ako sa
Read more