Pagkatapos ng seremonya at bago kami maglakad palabas, isa-isang lumapit sa amin ang aming mga magulang. Unang yumakap sa akin si Nanay—ang ina ni Jun.“Anak,” sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok, “salamat at dumating ang araw na ito.”Napangiti ako nang buong-puso. “Salamat din po sa pagtanggap sa akin, Nanay.”“Hindi ka na namin kailangang tanggapin pa, Jayzel. Matagal ka nang bahagi ng pamilya namin.” Muli niya akong niyakap nang mahigpit.Pagkatapos, lumapit si Tatay—ang ama ni Jun—at hinalikan ako sa noo. “Maligayang pagdating sa pamilya, Atty. Jayzel.”“Salamat po, Tatay.”“Alagaan mo ang anak namin, ha?” biro niya.Napatawa ako. “Opo, ako po ang bahala.”“Pero huwag mo rin masyadong pagbibigyan. Matigas ang ulo niyan minsan.”“Tatay naman!” reklamo agad ni Jun.Nagtawanan kaming lahat.“Anak, sinasabi ko lang ang totoo,” nakangiting sagot ng kaniyang ama.“Wala man lang akong kakampi sa mismong araw ng kasal ko?”“May asawa ka na. Siya na ang kakampi mo ngayon.”Napatin
Read more