“Kung kailangan mo kami, bakit parang ayaw mong makinig sa amin?”Wala na akong naisagot.Sa halip na lumapit sa kanila, nanatili akong nakatayo sa aking kinaroroonan. Pakiramdam ko ay kapag gumawa ako ng kahit isang hakbang palapit sa kinaroroonan nila, baka tuluyan akong bumigay, mapaluhod, at bawiin ang lahat ng sinabi ko.At hindi ko kayang gawin iyon.Hindi ko kayang sabihin sa kanila na ipagpapaliban ko ang kasal. Hindi ko kayang sabihin na baka mali ako sa pagpili kay Jeff. Dahil sa kabila ng lahat ng panunumbat at pagdududa nila, naniniwala pa rin akong siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.“Kung ganoon,” mahina at basag kong sabi, “gagawin ko na lang ang kailangan kong gawin.”Mabilis na napatingin sa akin si Mommy, nanlalaki ang mga mata. “Ano ang ibig mong sabihin?”“Magpapakasal kami ni Jeff.”“Kimmy, huwag mong gamitin ang kasal para lang patunayan sa amin na tama ka!” mariing ganti ni Mommy.“Hindi iyon ang ginagawa ko, Mom!”“Kung gayon, bakit parang handa m
Read more