Ilang ring lamang ang lumipas bago niya sinagot ang tawag.“Hello, babe?”“Jeff!”Agad niyang napansin ang matinding saya sa boses ko. “Whoa, you sound so happy! May magandang nangyari ba?”Napahagikgik ako. “Yes! Babe, you won't believe this!”“Tell me, ano iyon?”“Naaprubahan na ang investment proposal natin!”Sandaling natahimik ang kabilang linya. “What? As in... official?”“Mr. Villanueva approved the proposed investment! Nakuha na natin ang go signal para sa next phase ng expansion natin—subject na lang sa final agreements! I already sent the revised documents to our legal team so we can start preparing the requirements!”“Wait, wait...” Narinig ko ang kaluskos ng mga papel sa kabilang linya. “Are you serious, Kimmy?”“Yes! I just received his formal email confirmation! Naaprubahan na ang proposal natin, Jeff!”“Babe!” Narinig ko ang malakas at bukas sa pusong pagtawa niya.At hindi ko alam kung bakit, ngunit sa simpleng tunog na iyon ng kaniyang kagalakan, parang biglang nabawa
Read more