Lumipas ang mga araw, at para sa akin, tila huminto na ang pag-ikot ng mundo. Hindi ko na alam kung ilang oras, ilang araw, o ilang linggo na akong nakakulong sa kwartong ito. Laging nakasarado ang mga kurtina, laging pare-pareho ang liwanag, laging pare-pareho ang lamig na tumatagos hanggang sa buto ko. Nawala na ang pagkakaiba ng umaga at gabi, at ang buhay ko ay naging walang ibang laman kundi paghihintay, takot, at walang katapusang pagdurusa.Sinubukan ko pa ring lumaban, kahit alam ko nang walang saysay. Sa bawat pagpasok ng mga katulong para maglinis o magdala ng pagkain, lalo akong lumalapit, nakikiusap, at nagmamakaawa.“Pakiusap… kahit kaunting kumot lang, nilalamig na nilalamig ako,” sabi ko sa isa sa kanila habang nanginginig ang labi. “O kahit tubig na maligamgam lang… o buksan niyo lang nang kaunti ang bintana para lang makahinga ako ng sariwang hangin. Hindi ko hinihingi ang kalayaan ko, kahit kaunting ginhawa lang.”Pero gaya ng dati, ibinaling lang nila sa akin ang ma
Last Updated : 2026-05-20 Read more