NANG matapos maligo si Kenna ay bumalik siya sa silid ni Cassandra. Tatabihan niya muna ito sa pagtulog. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang itinulak ang pinto. Malamlam na ilaw ang bumungad sa kaniya at sa kama ay nakita niya si Cassandra at si…Nag-iwas siya ng tingin. Aatras na sana siya at lalabas ngunit bigla na lang niyang narinig ang tinig ng anak niya. “Mommy…”Natigil siya. “Come here, tabi tayong tatlo please…” may pagsusumamong sambit ng anak niya kaya napuno ng pagdadalawang isip si Kenna noong mga oras na iyon. Sa kama kasi ay naroon si Nathan, nakahiga sa tabi ni Cassandra. Iniwasan niya ito ng isang buong linggo pagkatapos ngayon ay tatabihan niya lang ito?Nagtalo pa ang isip at puso niya ng mga oras na iyon, kung papayag ba siya sa gutso ng anak niya o hindi ngunit sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang maglakad patungo sa kama at humga sa kabilang side ng lalaki. “Mommy, yakap mo po ako please…” pakiusap ulit ni Cassandra sa kaniya na wala na
Magbasa pa