SAWANG sawa na si Kenna na manatili sa loob ng ospital. Para siyang hindi makahinga at higit sa lahat ay gusto na niyang lumabas mula doon dahil habang patagal ng patagal na nananatili siya doon ay palungkot lang siya ng palungkot.Habang naroon siya ay naaalala niya lang ang anak niyang nawala sa kaniya dahil sa mag nangyari at habang nalulunod siya sa lungkot, isang desisyon ang nabuo sa isip niya— ang makpaghiwalay na kay Nathan. Ngunit kasabay ng desisyon na iyon, isang malungkot na mukha ni Cassandra ang pumasok sa isip niya kaya hindi niya alam kung tama ba na gawin niya iyon o hindi.Nasasaktan siya dahil sa mga nangyari oo, pero kung sakali man na makipaghiwalay siya sa lalaki, si Cassandra naman ang pinaka masasaktan at mahihirapan sa kanila dahil alam niya kung gaano ito kasaya noong tuluyan nang maging buo ang pamilya nila ay tiyak na magiging ganun din ito kalungkot kapag naghiwalay silang dalawa ni Nathan.Napakagat labi siya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang
اقرأ المزيد