DALAWANG linggo na ang mabilis na umipas. Hindi namamalayan ni Kenna na napakablis ng pagdaan ng araw. Simula noong makalabas siya ng ospital ay napansin niyang hindi na pumasok pa sa kumpanya si Nathan na para bang nakabakasyon ito.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin sila nag-uusap na dalawa pero palagi naman silang nagkakasama dahil kay Cassandra. Dalawang linggo na ang lumipas simula noong mawala sa kaniya ang baby niya at sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi na masakit sa kaniya ang pagkawala nito dahil ang totoo, kahit na tumatawa siya at ngumingiti na, sa tuwing mag-isa siya ay naiisip niya pa rin ito.Nalulungkot pa rin siya pero syempre ay hindi niya naman pwedeng ibaon ang sarili niya sa kalungkutan lalo na at may anak pa rin siyang nangangailangan sa kaniya at masasabi niyang swerte pa rin siya dahil kung wala ito na nagsisilbing kulay ng buhay niya, paano siya? Baka nabaliw a siya kapag nagkataon.“Mommy…” untag nito sa kaniya. Nasa garden sila noong mga o
اقرأ المزيد