MABILIS na lumipas ang isa pang linggo at muling nagharap sina Zade at Cassandra. Sa pagkakataong iyon ay si Zade naman ang nanalo. Katulad noong nakaraan ay kaunti lang ang naging lamang nito kay Cassandra. Napa buntong hininga na lang siya. Hindi naman siya nasasaktan sa totoo lang ay mas naging desidido pa siiyang siyang galingan niya pa, galingan nilang dalawa ni Ellie. “Okay lang.” mahina niyang sabi at tyaka ngumiti kay Ellie ngunit hindi niya akalaing maririnig ito ni Zade. “Natalo ka.” Nilingon niya ito. “Okay lang, kaunti lang ang lamang mo.” sagot niya rito. Ngumiti lang ito sa kaniya. “Ang panalo ay panalo.” napairap na lang si Cassandra noong mga oras na iyon. Napaka antipatiko! Napakayabang talaga. “Hmp! Ang yabang mo.” sabi niya na totoo naman. Natalo lang siya nito ngayon pero sa suusnod ay siisguruhin niyang hindi. Tyaka hindi naman masama ang loob niya, iniiinis lang siya nito at ginagawang bigdeal ang lahat. Hindi na lang tumahimik.ang ilang mga riders na naka
اقرأ المزيد