Nang gabing iyon, tahimik na ang buong bahay. Tulog na si Liam sa kwarto niya matapos ang halos isang oras na pagkukuwento tungkol sa ginawa nilang gardening ni Raiven, na sa pagkakaalam ko ay mas maraming putik kaysa actual na halaman ang naitulong niya sa project ng anak namin. Ako naman ay kakalabas lang ng shower at tahimik na nag-aayos ng buhok habang nakatayo sa harap ng salamin.Ilang araw akong wala sa bahay, pero ngayon lang talaga nagsimulang lumuwag ang pakiramdam ko. Wala nang mga dokumentong kailangan kong basahin, wala nang mga witness na kailangang kausapin, at wala nang mga tanong na kailangan kong sagutin. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, hindi ko kailangang maging abogado. Maaari lang akong maging Vanessa.At asawa ni Raiven.Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto, hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Ilang segundo lang ang lumipas bago ko naramdaman ang dalawang braso niyang marahang pumulupot sa baywang ko mula sa liku
Read more