Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko habang bumababa kami ni Raiven sa hagdan. Nakaupo si Mommy sa sofa sa sala, ang kanyang mga kamay ay magkadikit, halatang kinakabahan. Pagkakita sa amin, mabilis siyang tumayo, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa na sana ay pagbigyan ko siya sa hiling niya. "Vanessa," tawag niya sa mahinang boses. Hindi ako sumagot agad. Umupo ako sa tapat niya, habang si Raiven at nanatili lang na nakatayo sa likod ko. "Mom," panimula ko. "Raiven told me about the bullying case and the suîcide. Before I even consider helping, I need you to understand one thing: Hindi ako nandito para maging 'accomplice' sa anumang pagkakamali. Nandito ako para malaman kung may basehan ba ang depensa niyo, o kung nagbubulag-bulagan ka lang." Natigilan si Mommy dahil sa pagiging straight forward ko ngayon, kumpara kanina na halos gumuho ako sa harapan niya. "Anak, naniniwala ako kay Janice," sagot ni Mommy at halata sa boses niya na wala siyang pag aalinlangan sa sinab
Read more