Ang unang linggo ng home treatment ay naging isang malaking adjustment sa amin. Ang villa, na dati ay simbolo ng karangyaan, ay unti-unti nang nagiging isang medical facility. Ang living room ay madalas na puno ng mga IV stands, amoy ng antiseptic, at ang marahang tunog ng infusion pump.Hapon noon, habang nakakabit ang bi-weekly infusion ni Raiven, nakaupo lang ako sa tabi niya. Ang mga gamot ay nagdudulot ng matinding pagkahilo at panghihina sa kanya."Vanessa," tawag niya. Hindi siya makatingin nang diretso sa akin, nakapikit lang siya habang nakahiga sa sofa. "Get me some water, please."Tumayo ako at mabilis na kumuha ng baso, pero nang iaabot ko na sa kanya, nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya mahawakan nang maayos ang baso. Napamura siya nang mahina sa frustration. "Damn it.""Raiven, dahan-dahan lang," sabi ko, hinawakan ko ang baso habang idinidikit ko sa kanyang mga labi.Uminom siya, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nakapikit. Kitang-kita ko ang tensyon sa k
続きを読む