Ang liwanag ng umaga na sumisilip sa malalaking bintana ng silid ko sa villa ay tila may dalang ibang uri ng init. Paggising ko pa lang, hindi ang pamilyar na bigat ng mga legal briefs o ang takot sa corporate war ang unang pumasok sa isip ko. Kundi ang lasa ng labi ni Raiven. Ang init ng kaniyang mga kamay na nakahawak sa aking baywang sa loob ng sasakyan kagabi, at ang paos na boses niya na nangangakong hindi hihinto hangga’t hindi ako tuluyang nagiging kaniya muli.Napabalikwas ako ng upo, mabilis na ipinatong ang dalawa kong palad sa aking mga pisngi. My God, Vanessa. Umaga na, okey? Gumising ka na sa pantasya mo, pangaral ko sa aking sarili. Para akong teenager na nabaliw sa unang halik samantalang pitong taon na ang nakalilipas nang huli naming gawin iyon. Pero iba kagabi. Kagabi, walang lasing, walang pagkakamali, at walang pilitan. Pure adrenaline, raw emotion, and an undeniable truth we both tried so hard to bury.Huminga ako nang malalim, pilit na ibinabalik ang wisyo ng isa
Read more