Flashback Rhenan POV Lumipas ang mga taon. Unti-unti kong natutunan ang lahat ng dapat kong malaman sa ilalim ng Seven Pillars. Mahigpit si El Viejo. Pero patas. Hindi niya kami tinrato bilang mga batang mayayaman o magiging tagapagmana ng malalaking pangalan. Sa kanya, pare-pareho kaming kailangang maghirap. Pare-parehong kailangang patunayan ang sarili. Kaya wala akong naging dahilan para magreklamo. Mas gusto ko pa nga iyon. Dahil sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam ko ay mas lumalakas ako. Mas lumalayo ako sa dating Rhenan na walang magawa habang unti-unting nasisira ang buhay niya. Isang gabi, nasa rooftop kami nina Damon, Kael, Shean, Miguel, Kheano, at Troy. Tahimik kaming umiinom habang tanaw ang maliwanag na siyudad ng Maynila. “Ano'ng plano mo kapag yumaman ka?” tanong ni Troy. Napangiti si Miguel. “Bibili ako ng isla.” “Ang yabang mo naman,” natatawang sabi ni Shean. Isa-isa silang nagbigay ng sagot. Hanggang sa ako na ang tinanong
Mehr lesen