Rhenan POVMaaga akong nagising kinabukasan.Tahimik ang buong bahay. Wala pa ang ingay ni Aaliyah na karaniwang unang naririnig sa umaga, at wala rin ang mga yabag ni Rhenfield na nagmamadali papunta sa opisina niya.Napangiti ako nang mapatingin sa malaking larawan ng pamilya namin sa sala.Ilang taon na ang lumipas.Kung iisipin ko ang lahat ng pinagdaanan namin, parang hindi kapani-paniwala na narito kami ngayon—payapa, kumpleto, at malayo sa gulong minsang muntik nang sumira sa pamilya namin.Pero alam kong hindi natatapos ang buhay sa isang problema.May mga bagong pangarap.May mga bagong responsibilidad.At higit sa lahat, lumalaki na ang mga anak namin.“Gising ka na pala.”Napalingon ako.Nakatayo si Alexandra sa may hagdan, hawak ang isang tasa ng kape.“Good morning,” bati ko.“Good morning.”Lumapit siya at umupo sa tabi ko.“May meeting ka?”“Wala ngayong umaga.”“Talaga?”Tumango ako.“Gusto kong samantalahin ang araw na wala akong kailangang habulin.”Napangiti siya.“
Read more