Alexandra's POV Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Rhenan. Hindi kami halos nakatulog. Magdamag kaming nakabantay kay Rhenfield. Paminsan-minsan ay nagigising siya, ngunit mabilis din muling nakakatulog dahil sa gamot. Bandang alas-nuwebe ng umaga ay dumating ang doktor kasama ang ilang resulta ng laboratory tests. Agad kaming tumayo ni Rhenan. "Dok..." Nanginginig kong sabi. "Kumusta po ang anak namin?" Tinanggal ng doktor ang salamin niya at tumingin sa amin. "May maganda at may kailangan pa tayong bantayan." Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Rhenan. "Maganda po na hindi kami nakakita ng senyales ng leukemia." Napabuntong-hininga ako. Parang nabunutan ng napakalaking tinik ang dibdib ko. Naramdaman kong marahan akong niyakap ni Rhenan. "Thank You, Lord..." Mahina kong bulong. "Pero..." Dugtong ng doktor. "Hindi pa rin natin puwedeng ipagsawalang-bahala ang kondisyon niya." Tahimik kaming nakinig. "Severe ang anemia ni Rhenfield."
Read more