Rhenan POV Marami akong kailangang tapusin ngayong araw, bukod pa sa nakatatakdang PTA meeting para kay Rhenfield. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang magsimulang sumigaw at magwala si Alexandra. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. "Sir, ako na po ang bahala kay Ma'am Alex. Puwede na po kayong pumunta sa meeting niyo," presinta ni Nurse Ara. "No. Ayaw kong iwanan si Alex sa ganyang kalagayan," mabilis kong pagtanggi sabay haplos sa buhok ng asawa ko. Agad kong tinawag ang aking biyenan. "Ma, kayo na po muna ang pumunta sa meeting ni Rhenfield." Tumango lamang ang mother-in-law ko bilang pagsang-ayon. Inakbayan ko ang aking anak. "Champ, next time kami na ni Mommy mo ang pupunta, ha?" Ngumiti at tumango lamang ang anak namin. "No problem, Dad." Muli kong nilingon si Alex at agad siyang niliyakap nang mahigpit. "Alex, I'm here, okay? Hindi kita iiwan." Nagulat ako nang bigla rin siyang gumanti ng yakap—sobrang higpit
Baca selengkapnya