Giovanni’s POVSumunod ako sa ibinigay na direksyon—sa isang lumang bodega na nakatago sa likod ng mga tambakan sa pantalan. Nang buksan namin ang mga selyadong kahon, parang gumuho ang lahat ng aking paniniwala. Mga dokumento, audio recording, at litrato na nagpapatunay na matagal na pala nilang pinagpaplano ang lahat—hindi lang nitong mga nakaraang linggo, kundi ilang taon na ang nakalilipas. Pati ang mga pagbabago sa negosyo, mga pagkawala ng mga taong pinagkakatiwalaan ko… lahat pala ‘yon ay gawa nila.Sa dulo ng silid, nakatayo si Ryan. Walang hawak na sandata, nakayuko, at halatang pagod na pagod na rin sa pagtatago.“Bakit ngayon lang?” mariin kong tanong habang nakaturo sa mga ebidensyang nakakalat. “Bakit kailangang damay ang lahat? Pati ba naman ang tiwala ko, ginawa niyong laruan?”Tumingin siya sa akin, halo ang takot at matinding pagsisisi. “Hindi ko alam ang buong katotohanan, Giovanni. Naniwala lang ako kay Miranda—na ikaw ang nagtaksil, na inagaw mo ang dapat ay sa ami
Read more