*[Ospital ng Maynila. ER. 6:42 PM.]*Takbo. Hingal. Iyakan. Yun lang ang nasa isip ko habang tumatakbo ako sa hallway ng ER. Paa ko sumasakit sa tsinelas, pero hindi ko alintana. “Tatay! Tatay!”Nakita ko si Mama. Nakaupo sa labas ng ICU, nakahawak sa rosaryo, umiiyak. Mukha niyang 10 taon tumanda sa isang araw.“Mama!” Yumakap ako agad. Mahigpit. Parang kapag binitawan ko siya, mawawala na rin siya. “Anong nangyari? Anong nangyari sa tatay ko?!”“Bigla siyang nahilo kanina, Ellie,” sagot ni Mama. Punit-punit boses niya. “Sabi ng nurse, tumaas daw creatinine niya. Kailangan dialysis ngayon din. Kailangan natin 50,000.”50,000. Sa isang gabi. Sa isang tawag lang.“Wala tayong pera, Mama. Wala tayo—” “Alam ko, anak. Alam ko.”Tumayo ako. Hindi pwede akong umiyak ngayon. Hindi pwede. “San yung nurse? Kausapin ko.”“Ellie, wala tayong—” “Magkakapera tayo, Ma. Magkakapera tayo.”Pumasok ako sa nurse station. Pawis na pawis ako, hinihingal pa. “Ate, ako yung anak ni Manu
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-24 อ่านเพิ่มเติม