Home / Romance / Contracted to my twin's rival CEO / Chapter 3: The hospital call "POV Ellie"

Share

Chapter 3: The hospital call "POV Ellie"

Author: Gracias
last update publish date: 2026-05-24 14:44:37

*[Ospital ng Maynila. ER. 6:42 PM.]*

Takbo. Hingal. Iyakan.  

Yun lang ang nasa isip ko habang tumatakbo ako sa hallway ng ER. Paa ko sumasakit sa tsinelas, pero hindi ko alintana.  

“Tatay! Tatay!”

Nakita ko si Mama. Nakaupo sa labas ng ICU, nakahawak sa rosaryo, umiiyak. Mukha niyang 10 taon tumanda sa isang araw.

“Mama!”  

Yumakap ako agad. Mahigpit. Parang kapag binitawan ko siya, mawawala na rin siya.  

“Anong nangyari? Anong nangyari sa tatay ko?!”

“Bigla siyang nahilo kanina, Ellie,” sagot ni Mama. Punit-punit boses niya. “Sabi ng nurse, tumaas daw creatinine niya. Kailangan dialysis ngayon din. Kailangan natin 50,000.”

50,000.  

Sa isang gabi.  

Sa isang tawag lang.

“Wala tayong pera, Mama. Wala tayo—”  

“Alam ko, anak. Alam ko.”

Tumayo ako. Hindi pwede akong umiyak ngayon. Hindi pwede.  

“San yung nurse? Kausapin ko.”

“Ellie, wala tayong—”  

“Magkakapera tayo, Ma. Magkakapera tayo.”

Pumasok ako sa nurse station. Pawis na pawis ako, hinihingal pa.  

“Ate, ako yung anak ni Manuel Joson. Kailangan ko makausap doctor. Kailangan ng tatay ko dialysis ngayon.”

Tiningnan ako nung nurse. Bata pa, pero pagod na pagod mata niya.  

“Ma’am, wala pa kayong down payment. Hindi namin pwede—”  

“Magbabayad ako! Bigyan niyo lang ako ng 2 oras!”

Umiling siya. “Policy po namin ‘yan, Ma’am. Hindi namin pwede i-proceed.”

Parang may bumagsak sa dibdib ko.  

2 oras.  

Saan ako kukuha ng 50k sa 2 oras? Magnanakaw ba ako? Manghihingi sa kalsada?

Lumabas ako, hawak hawak ang phone ko. Wala akong tatawagan. Wala akong kamag-anak dito sa Manila. Si Ate Minda nasa Batangas. Si Gab? Hindi pwede. Si Luke? Bakit ko tatawagan yun?

Tumunog phone ko. Unknown number.

“Sagutin mo na, Ellie,” sabi ko sa sarili ko. “Baka si Tatay.”

“Hello?”  

“Ellie Joson?”  

Boses lalaki. Malamig. Pamilyar. Yung tipo ng boses na kahit 3AM ka gisingin, makikilala mo.  

“Si Luke Smith ‘to.”

Shit. Siya pala.

“Ser? Bakit ka tumatawag? Okay ka na ba sa evaluation ko? Hindi ako—”  

“Nasaan ka?”  

“Sa ospital. Tatay ko. Kailangan niya dialysis. Kailangan namin 50k ngayon din.”

Tahimik siya ng 2 segundo.  

“Tell me the hospital name. Room number.”

Hindi ako sumagot agad.  

“Bakit? Magagalit ka lang sakin kasi hindi ako pumasok bukas.”  

“Ellie. Now.”

May kung anong tono sa boses niya na napilitan akong sumagot.  

“Ospital ng Maynila. ICU 3rd floor. Room 312.”

“Stay there. Don’t move.”

Pinatay niya call.

“Baliw ba siya?” bulong ko. “Ano gagawin niya? Magbigay ng pera?”

5 minutes later, bumukas pinto ng ICU.  

Pumasok si Luke. Naka-suit pa rin. Amoy ulan at mamahaling cologne. May hawak na envelope.

“Doctor Mendoza,” tawag niya sa nurse. “I’m paying for the patient in Room 312. Process the dialysis now.”

“Ay sir, hindi po pwede wala pang—”  

“Check the envelope. 50k cash. Receipt will follow.”

Nanlaki mata ng nurse. “O-Okay sir.”

Tumalikod si Luke.  

“Ellie. Labas tayo. Now.”

Hinila niya ako palabas ng ER. Hindi ko na napigilan sarili ko. Tumigil ako sa harap niya, sa gitna ng hallway na may amoy gamot at dugo.

“Bakit mo ginawa ‘to?!” sigaw ko. “Hindi mo ako kilala! Bakit ka tumutulong?!”  

“Kasi sabi mo kailangan mo ng pera,” sagot niya. Walang emosyon. Parang nagbabasa lang ng memo.  

“Pero bakit?! Ano kapalit?! Gusto mo ba maging alipin mo ako forever?!”  

“Wala akong gusto,” sabi niya. “Pero kung mamatay tatay mo ngayon, wala ka nang reason magtrabaho sakin. And I need you to finish the week.”

Ang lamig. Ang yabang.  

Pero bakit parang totoo? Bakit parang hindi lang pera ang dahilan?

“Ser… salamat,” sabi ko. Mahina. Parang kinakahiya ko. “Pero babayaran kita. Pangako.”  

“Don’t,” sabi niya. “Bayaran mo ko by not quitting. By not crying in my office. By being useful for 6 more days.”

Tumango ako. Hindi ko na alam sasabihin ko.  

“Umuwi ka muna. May bantay na tatay mo. Tatawagan kita bukas ng 6AM. Late ka na naman, fired ka na talaga.”

Bago siya umalis, huminto siya.  

“Ellie. Wag mong sabihin kay Gab na tumulong ako. Ayaw ko ng utang na loob sa kanya.”

Umalis siya. Iniwan ako na hawak yung pinto ng ICU. Parang tanga.

---

*[1:00 AM. Bahay ng kaibigan ni Mama sa Tondo.]*

Hindi ako makatulog.  

Nakatitig ako sa kisame. Amoy pawis at lumang kahoy yung kwarto. Si Mama katabi ko, tulog na. Pagod na pagod.

Hawak ko yung phone ko.  

May message ulit. Unknown number.

_“Sinong tumulong sa’yo? Si Luke ba? Mag-ingat ka sa kanya, Ellie. Hindi siya mabait na tao.”_

Si Gab yun. Siya lang ang may number ko bukod kay Mama.  

Nag-reply ako.

*Ellie:* Bakit mo sinasabi yan? Tinulungan niya ako.  

*Gab:* Kasi ganun siya. Tumutulong para may hawak siya sa’yo.  

*Ellie:* Eh ano naman? Mas mabuti na yun kesa wala.  

*Gab:* Bukas. 7AM. Sa Starbucks sa tapat ng Smith Corp. May sasabihin ako sa’yo tungkol sa tatay mo.

Tatay ko?  

Ano naman kinalaman ng Smith family sa tatay ko?

Hindi ako makatulog buong gabi. Bawat ikot ko, naiisip ko yung mukha ni Tatay sa ICU. Yung tubo sa ilong niya. Yung payat na payat na kamay.

---

*[Kinabukasan. 6:55 AM. Starbucks.]*

Maaga akong nagising. Sinadya ko talaga .Ayoko ma-late kay Luke.  

Ayoko rin ma-late kay Gab.

“Maaga ka,” sabi ni Gab pag-upo niya. May dala siyang kape. Hindi para sakin. Para sa sarili niya lang.  

“Anong sasabihin mo tungkol kay Tatay?” diretso ko. Wala akong time sa chismis.

Tinitigan niya ako ng matagal. Parang sinusukat niya kung kaya ko marinig.  

“10 years ago, may aksidente sa Batangas. Truck ng Smith Corp bumangga sa tricycle. Patay yung driver ng tricycle. Driver ng truck, tumakas.”  

“So?”  

“Driver ng tricycle… si Manuel Joson. Tatay mo.”

Nanlamig buong katawan ko. Parang binuhusan ako ng yelo.

“Sinungaling ka,” sabi ko. Umiiling ako. “Tatay ko hindi namatay 10 years ago.”  

“Hindi siya namatay noon. Pero simula noon, hindi na siya gumaling. May internal injury siya. Yung kidney failure niya, simula nun.”  

“Sinong may kasalanan?!”

Tumayo si Gab. Tumitig sakin.  

“Yung driver ng truck. Siya si—”

Bumukas ang pinto ng Starbucks.  At sabay kaming nagkatinginan ni Gab ng pumasok si Luke.

Nakita niya kami. Mukha niyang… galit. Pero hindi sa akin. Kay Gab. Parang gusto niyang sakalin yung kapatid niya.

“Gab. Umalis ka.”  

“Luke, kailangan malaman niya.”  

“Not now!.”

Tumayo ako. Nanginginig na ang mga kamay ko.  

“Sinong driver, Gab? Sino?!” tanong ko at napalakas na ang boses ko.

Tumayo rin si Luke. Hinarang nya ako. 

“Enough. Hindi pa oras para malaman mo.”  

“Oras na, Luke!” sigaw ni Gab. “10 years na siyang naghihirap! Kailangan niyang malaman na—”  

“Na ako ang may kasalanan?!”

Tahimik ang buong Starbucks. Yung barista tumigil sa paggiling ng kape. Yung dalawang estudyante sa kanto, nakatingin na sa amin.

Tumitig ako kay Luke, ng may pagtataka. 

“Anong sinasabi niya, Ser?”

Tumango lang sya ng mabagal. Parang pinipilit niya sarili niya. Parang  pinipigilan niyang suntukin ang sarili.

“Oo. Ako ang nagmamaneho ng truck na yun 10 years ago.”

Gumuhit yung mundo sa harap ko.  

“Sinungaling,” bulong ko. “Hindi totoo ‘yan.”  

“Totoo,” sabi niya. “19 years old ako nun. Lasing ako... Natakot ako nun kaya tumakas ako... H-hindi ko alam na tatay mo yung nabangga ko.”  

“Pero bakit ngayon mo lang sinasabi?!” sigaw ko. “Bakit ngayon mo lang ako tinulungan?!”  

“Kasi hindi ko alam na ikaw yun!” sagot niya. “Kung alam ko, hindi kita kukunin sa company ko

Peke akong tumawa. Hindi ko alam kung galit ako o nasasaktan.  

“So ngayon, ano? Magbabayad ka? 50k para tumahimik ako?”  

“Hindi,” sabi niya. “Magbabayad ako ng 800k para sa operasyon ng tatay mo. Buong treatment. Wala kang babayaran.”

Lumapit ako sa kanya. Sobrang lapit na halos dumikit ilong namin.  

“Bakit? Para wala na akong habol sa’yo? Para matapos na ‘to?”  

“Hindi,” sabi niya. Mahina. Parang sinisiguro niya na ako lang makakarinig. “Kasi ayoko na makita kitang umiiyak dahil sakin.”

Tumalikod ako. Hindi ko na kaya.  

“Ellie,” tawag ni Gab. “Wag ka munang magdesisyon. Pag-isipan mo.”  

“Wala na akong iisipin,” sabi ko. “Magre-resign ako. Hindi ako magtatrabaho sa taong muntik ng pumatay sa tatay ko.”

Lumabas ako ng Starbucks at hindi ko na pinakinggan si Luke na tumawag ng pangalan ko.

---

*[11:30 AM. Ospital ng Maynila. ICU.]*

Nandoon ako sa tabi ni Tatay. Hawak ko kamay niya. Payat na payat. Parang hindi na siya yung Tatay na nagbuhat sakin nung bata pa ako.

“Anak,” bulong niya. “Okay ka na ba?”  

“Okay na po, Tay. Okay na.”  

“Narinig ko… may tumulong daw sa atin. Sino?”  

“Si… kaibigan ko po.”

Hindi ako makapagsinungaling ng buo. Hindi ko rin kayang sabihin ang totoo.

Bago ako umalis, may nurse na lumapit.  

“Miss Joson, may nagbayad na po ng buong bill niyo. Anonymous daw.”

Anonymous.  

Sino pa ba?

Paglabas ko, may text ulit. Unknown number.

_“Ellie, kung aalis ka, mamamatay tatay mo. Ang tanong, makakalimutan mo ba na may utang sa’yo ang isang Smith?”_

Hindi ko alam kung si Gab to. O si Carla. O si Luke mismo.

Pero isang bagay lang alam ko.  

Hindi ako aalis. Hindi pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contracted to my twin's rival CEO   Chapter 12 : The end

    **Chapter 12: The End****POV: Ellie****[6:00 AM. Safe House. Alarm Blazing.]***BOOM.*Grabe yung yugyog ng buong bahay. Tumilapon ako sa kama. Tumama yung likod ko sa pader. Masakit.“Ellie!” sigaw ni Luke sa labas. Boses niya nababali na sa kaba. “Stay down! Wag kang gagalaw!”Isa pa. *BOOM.*Mas malakas. Mas malapit. Parang nasa pintuan na mismo. Yung Usok. Amoy sunog. Amoy bakal.Sigaw ng mga guard sa labas. Barilan. Putok dito, putok doon.“Ellie, ngayon na!” si Gab, bumukas ng pinto ko. Duguan braso niya. Pawis at dugo naghalo na sa mukha niya. “Aatakihin na nila tayo! Wala na tayong oras!”Hindi na ko nagtanong. Tumayo ako agad kahit nanginginig pa yung tuhod ko.“Nasaan si Tatay at Mama?” tanong ko. Boses ko pabulong kasi natatakot ako na marinig nila.“Basement. Safe sila,” sagot ni Gab. Hinila niya ako papalabas. “Pero tayo, hindi na. Kung hindi tayo kikilos ngayon, wala na.”Tumakbo kami papuntang hallway. Madilim. Usok lang ang nakikita ko. Hirap huminga.Sa dulo, nakita

  • Contracted to my twin's rival CEO   chapter 11: Final deal

    Pov.ellie**[11:15 AM. Bilibid Parking Lot.]**“Luke,” tawag ko. Hawak ko pa rin ang phone ko. Yung text ni Richard paulit-ulit ko binabasa. “Anong gagawin natin?” tanong ko. Boses ko pabulong. Parang natatakot ako sa sagot.Pumasok kami sa kotse. Hindi agad nagsalita si Luke. Hinawakan niya manibela pero hindi pa pinaandar. “Uuwi tayo,” sabi niya. “Ngayon.” “At si Gab?” tanong ko. “Safe siya sa safe house,” sagot niya. “Dalawang guard nasa labas ng kwarto niya. Hindi siya gagalaw.” “Pero si Carla nakatakas,” sabi ko. “At sabi mo kanina, may tao pa rin sila sa loob.” “Alam ko,” sagot niya. Tumitig siya sakin. “Kaya kailangan ko kausapin tatay ko. Ngayong araw din.”Tumango ako. Wala na akong ibang masabi. “Samahan kita,” sabi ko. “Hindi,” sagot niya. “Masyadong delikado. Kung may mangyari sakin, kailangan may mag-alaga kay Tatay mo at kay Gab.” “Luke…” “Ellie, please,” putol niya. “Magtiwala ka sakin. Gaya ng sinabi mo dati.”Tumitig ako sa mga mata niya. “Okay,”

  • Contracted to my twin's rival CEO   Chapter 10: rescue mission

    **Chapter 10: Rescue Mission** **POV: Ellie****[2:05 AM. Safe House. Corridor.]**“Luke! Si Gab! Wala na siya sa kwarto niya!” sigaw ko. Nanginginig yung boses ko.Bumukas ang pinto ni Luke. Naka-pajama pa siya, pero gising na gising ang mga mata niya. “Nasaan yung huling text?” tanong niya. Mabilis siyang lumapit sakin. “Dito,” sabi ko. Inabot ko ang phone ko. Nanigas ang mukha nya sa nabasa nya. “Gab,” sabi niya. Tumakbo siya palabas. Sinundan ko siya. Sa Kwarto ni Gab. Bukas ang pinto pero walang tao. Yung kama hindi man lang nagalaw, Parang hindi pa nakatulog. “Gab!” sigaw ko. Walang sumasagot.Si Gab, naka-off ang phone niya. Hindi ko matawagan. “Fuck,” mura ni Luke. Sinipa niya ang pader. “May insider pa rin.”**[2:20 AM. Safe House. Security Room.]**“Check CCTV. Lahat,” utos ni Luke sa dalawang guard. “Opo Sir,” sagot nila. Mabilis silang nag-type.Nag-play yung video. 1:58 AM. Si Gab lumabas ng kwarto. May kausap sa phone. Mukhang kalmado. “Si Gab yan

  • Contracted to my twin's rival CEO   Chapter 9: Betrayal inside

    POV: Ellie**[3:05 AM. Safe House. Basement.]**“Luke,” tawag ko. Boses ko pabulong pero nanginginig. “Ano?” sagot niya. Mabilis siyang lumapit sakin. “Yung text,” sabi ko. Inabot ko yung phone ko. *“Magaling, Ellie. Pero hindi pa tapos. Ang susunod… si Gab.”*Tumayo si Luke. Nanlaki ang mga mata niya. “Gab,” tawag niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanya. Si Gab nasa kabila ng basement, kausap pa rin yung pulis sa phone. Hindi niya kami naririnig. “Gab! Patayin mo na tawag mo!” sigaw ni Luke. Nagulat si Gab. Pinatay niya yung call. “Anong meron?” tanong niya. “May tao sa loob,” sagot ko. Inabot ko yung phone kay Luke. “Sabi nila, ikaw na susunod.”Nanlamig yung mukha ni Gab. “Hindi pwedeng mangyari to,” sabi niya. “Dito lang tayo apat nakakaalam ng lugar na to. Ako, ikaw, ako, at si Tatay.” “Hindi,” sabi ni Luke. “Limang tao. Yung bagong guard na galing sa agency ko. Si Marco.”Tumayo ako. “Si Marco? Yung tahimik na yun?” “Oo,” sagot ni Luke. “Siya lan

  • Contracted to my twin's rival CEO   Chapter 8: Safe House "Pov.Ellie"

    **[4:00 AM. Kotse ni Luke.]**“Ellie, gising.”Boses ni Luke. Malamig ang hangin sa loob ng kotse. Pagdilat ko, nasa labas na kami ng Manila. Madilim pa. Wala pang sasakyan sa highway.“Nasaan tayo?” tanong ko. Boses ko paos pa sa tulog. “Tagaytay,” sagot niya. “Safe house. Walang nakakaalam maliban sakin at kay Gab.”Tiningnan ko ang paligid. Malaking gate. Mataas na pader. Parang rest house ng mayaman. “Bakit dito?” tanong ko. “Kasi dito walang tao ni Richard Smith,” sagot niya. “Sana.”Bumukas na yung gate. Pumasok narin kami. May dalawang guard na nag-salute kay Luke. “Stay alert,” sabi niya sa kanila. “No one gets in without my call.”Pumasok kami sa loob. Sobrang laki ,Tahimik. Amoy kahoy at malamig na hangin galing sa labas. “Room mo dyan,” sabi ni Luke. Itinuro niya isang pinto sa dulo. “Si Tatay?” tanong ko. “Darating siya mamayang umaga. Helicopter,” sagot niya. “Mas mabilis at mas safe.”Umupo ako sa kama. Pagod na pagod ako. “Luke,” tawag ko. “Ano?”

  • Contracted to my twin's rival CEO   Chapter 7: Prison Break Threat

    **Chapter 7: Prison Break Threat** **POV: Ellie** **[Ospital ng Maynila. 6:00 AM.]**“Ellie, hindi ka umuuwi kagabi?”Boses ni Mama. May dalang lugaw at itlog. Amoy bawang pa yung plastic.“Hindi po Ma,” sagot ko. Hinihilot ko batok ko. “Ayoko iwan si Tatay.” “Eh ikaw? Kailan ka magpapahinga?” “Pag okay na siya Ma. Tsaka nandito naman si Luke.”Luke na nakahiga sa katabing couch. Naka-unbutton yung polo niya, nakapikit pero hindi mahimbing tulog. Gising agad siya nung marinig boses ko.“Good morning,” sabi niya. Parang hindi pa gising boses niya. “Good morning, Sir Robot,” biro ko. “Don’t call me that,” sagot niya. Pero may ngiti sa gilid ng labi niya.Biglang bumukas pinto. Si Gab. May dalang kape at donut. “Breakfast for my favorite people,” sabi niya. Inilapag niya sa lamesa. “Favorite? Ako lang nandito ah,” sabi ko. “Oo, ikaw lang,” ngisi niya. Tiningnan niya si Luke. “Siya hindi.”Tumayo si Luke. Inayos buhok niya gamit daliri. “Gab, ano ginagawa mo dito 6

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status