Winona's POV Isang linggo pa lang akong nagtatrabaho sa Villarreal Holdings, pero pakiramdam ko isang buong buwan na ang dumaan. Hindi dahil mabagal ang oras kundi dahil lahat ng bagay dito sa kumpanya ay mabilis. Mabilis mag-isip ang tao, mabilis magdesisyon, mabilis magalit at higit sa lahat, mabilis makakita ng mali. “Ms. Sanchez.” Napalingon ako sa boses ni Ana, kasama ko siya sa conference room habang inaayos namin ang final layout ng summit. “Supplier confirmed na for lighting setup,” sabi niya habang binabasa ang tablet. “Good,” sagot ko. “Pero paki double-check mo pa rin. Ayokong ma-surprise na biglang may blackout sa gitna ng CEO speech.” Tumango siya. “Noted.” Sa gilid ng mesa, naroon naman si Ron na halos nakasubsob na sa laptop niya. “Guys,” sabi niya, “I think I officially regret accepting this job.” “Too late,” sabay naming sagot ni Ana. Napabuntong-hininga ako pero kahit pagod na kami, hindi ko maiwasang mapangiti. We were surviving, barely… bu
Read more