Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy, mabilis po ba yung ride?” tanong ni Bea, bitbit ang maliit niyang pink na maleta na halos mas malaki pa sa kanya. “Depende sa traffic, baby,” sagot ko, sabay pisil sa mamula-mula niyang pisngi. “Meaning… matagal,” bulong ni Brix na parang expert na sa buhay. Napailing na lang ako. “Sino ba ang nagturo sa inyo ng ganyan?” “Si Mommy po,” sabay nilang sagot. Whatever... umikot ang eyeballs niya at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas namin ng arrival area, agad kong nakita ang kumakaway kong matalik na kaibigan. “Nona! Nona! Welcome home!” “Jane!” masiglang tawag ko pabalik. Parang walang limang taong lumipas sa kanya, ganun pa rin ito kaingay, ka-energetic, at mukhang laging r
Last Updated : 2026-05-25 Read more