Kabanata 12 Alex’s POV Pagdating sa tapat ng apartment na inuupahan namin ni Aiden, pinagbuksan ako ni Azrael ng pintuan. Nahihiyang nagpasalamat ako sa kaniya. Paglingon ko kay Aiden, tulog na tulog na ang bata. Bubuhatin ko na sana, ngunit naunahan ako ni Azrael. “T-Thank you, Sir,” nahihiyang sabi ko. Tumango lamang siya. Nauna akong maglakad papasok sa loob ng apartment namin. Tahimik akong nagdasal na sana ay huwag siya masyadong magulat sa itsura ng tinitirhan namin. Hindi naman kalakihan ang apartment. Isang maliit na sala, munting kusina, at iisang kwarto lang ang mayroon kami. Pagpasok niya sa loob, napansin kong mabilis na umikot ang tingin niya sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Ngunit wala akong nakitang panghuhusga sa mukha niya. Akala ko ay hanggang sa sala lang siya, pero nagulat ako nang bigla siyang magtanong. “Where's his room?” Agad kong binuksan ang kwarto namin ni Azrael. Pagkabukas ko ng pinto, napangiwi ako. Nakakalat ang ilang lar
続きを読む