Kabanata 22 Alex's POV Tinulungan ko siyang makatayo, pero sobrang bigat niya. Hindi ko siya kayang buhatin mag-isa. Hinila ko ang braso niya. Isinandal ko siya sa dingding ng elevator. “Azrael, ano bang problema mo?” tanong ko. Hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko. “I need air,” nanginginig ang boses niya. Nakapikit siya. Humihinga nang mabilis. “I can't breathe.” “Air? Anong akala mo sa akin? Oxygen?” Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit siya nahihirapang huminga? Bakit siya pinagpapawisan? Hindi naman siya tumakbo. Hindi naman siya nagbuhat ng mabigat. Magrereklamo pa sana ako nang hilahin niya ang batok ko at mariing hinalikan ang mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga dahil sa gulat. “Kiss me,” paos ang boses niya. Halatang nahihirapan talaga siyang makahinga. “Please, Alex. I need air. Kiss me.” Kung mamamatay siya ngayon dito, baka ako pa ang mapagbintangan. Baka sabihin nila na pinatay ko siya. Baka makulong pa ako.
더 보기