Kabanata 61 Azrael's POV Sunod kong binuksan ang folder na naglalaman ng mga financial records ni Congressman Qiambao. Isa-isang dumaan sa paningin ko ang mga dokumento. Mga pondong inilaan para sa mga infrastructure project sa distrito niya, pero napunta sa pagbili ng mga bahay, mamahaling sasakyan, at iba't ibang ari-arian. Milyon-milyong piso ang nawala. Milyon-milyong pisong dapat ay para sa mga mamamayan. "Ang dami niyang ninakaw," malamig kong sabi habang patuloy na binabasa ang mga dokumento. "Ang dami niyang binulsa. Paano siya nakaligtas sa lahat ng imbestigasyon? Paano hindi siya nahuli?" "Malakas po ang kapit niya, Boss," sagot ni Carlo. "Marami po siyang koneksyon sa gobyerno. May mga kakilala rin po siya sa loob ng pulisya at iba pang ahensya. Kaya sa tuwing may nagsasampa ng kaso laban sa kanya, lagi siyang nakakalusot. Palagi pong may nagtatakip sa mga kasalanan niya." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi na siya makakalusot ngayon." Tumayo ako mula sa upuan at daha
Read more