مشاركة

Kabanata 61

مؤلف: Lavender Skye
last update تاريخ النشر: 2026-07-27 01:29:06

Kabanata 61

Azrael's POV

Sunod kong binuksan ang folder na naglalaman ng mga financial records ni Congressman Qiambao.

Isa-isang dumaan sa paningin ko ang mga dokumento.

Mga pondong inilaan para sa mga infrastructure project sa distrito niya, pero napunta sa pagbili ng mga bahay, mamahaling sasakyan, at iba't ibang ari-arian.

Milyon-milyong piso ang nawala.

Milyon-milyong pisong dapat ay para sa mga mamamayan.

"Ang dami niyang ninakaw," malamig kong sabi habang patuloy na binabasa ang mga dokum
Lavender Skye

Salamat guys. 🫰

| إعجاب
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 61

    Kabanata 61Azrael's POVSunod kong binuksan ang folder na naglalaman ng mga financial records ni Congressman Qiambao.Isa-isang dumaan sa paningin ko ang mga dokumento.Mga pondong inilaan para sa mga infrastructure project sa distrito niya, pero napunta sa pagbili ng mga bahay, mamahaling sasakyan, at iba't ibang ari-arian.Milyon-milyong piso ang nawala.Milyon-milyong pisong dapat ay para sa mga mamamayan."Ang dami niyang ninakaw," malamig kong sabi habang patuloy na binabasa ang mga dokumento. "Ang dami niyang binulsa. Paano siya nakaligtas sa lahat ng imbestigasyon? Paano hindi siya nahuli?""Malakas po ang kapit niya, Boss," sagot ni Carlo. "Marami po siyang koneksyon sa gobyerno. May mga kakilala rin po siya sa loob ng pulisya at iba pang ahensya. Kaya sa tuwing may nagsasampa ng kaso laban sa kanya, lagi siyang nakakalusot. Palagi pong may nagtatakip sa mga kasalanan niya."Napakuyom ako ng kamao."Hindi na siya makakalusot ngayon."Tumayo ako mula sa upuan at dahan-dahang n

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 60

    Kabanata 60Azrael's POVNakatayo ako sa harap ng malaking mesa sa opisina ko. Nakasindi ang lahat ng ilaw sa kisame, pero parang hindi pa rin sapat para maalis ang bigat ng paligid.Ang atensyon ko ay nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan ko.Mga dokumentong naglalaman ng pangalan ng taong dapat managot sa lahat ng nangyari sa pamilya ko.Congressman Raffy Qiambao.Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatitig sa pangalan niya. Paulit-ulit ko iyong binabasa, parang gusto kong ukitin sa isip ko ang bawat letra.Siya ang dahilan kung bakit nasa ospital ang anak ko.Siya rin ang taong nag-alok ng isang milyong piso sa asawa ko para patahimikin siya."Boss, siya po ang congressman na naging karelasyon ni Marga," seryosong ulat ni Carlo habang nakatayo sa harap ng mesa ko. Nakayuko ang ulo niya. Alam niyang wala ako sa tamang kondisyon. "Siya rin po ang may-ari ng sasakyang nakabangga kay Aiden. Ayon sa imbestigasyon namin, siya mismo ang nagmamaneho noong araw na iyon."Unti-un

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 59

    Kabanata 59Alex's POVNapahagulhol ako nang nakita ko si Azrael na pumasok sa kwarto ni Aiden dito sa ospital. Kararating niya lang at kagigising lang din ni Aiden. "Azrael," tawag ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Salamat sa pagdating mo. Kailangan ka namin ngayon."Mabilis niya akong niyakap. "I'm here, Alex. Sorry kung natagalan ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang nangyari.""Daddy," mahinang tawag ni Aiden. Nakapikit-pikit pa ang mga mata niya. Halatang mahina pa siya at pagod na pagod pa.Kumalas si Azrael sa pagyakap sa akin at lumapit sa anak namin. "Son, how are you? May masakit ba? Masakit ba ang katawan mo?" sunod-sunod niyang tanong. Niyakap niya rin ang anak namin. "I'm okay, Dad," sabi ni Aiden. Mahina ang boses niya. Pero ngumiti siya. "Masakit lang po ang ulo ko. Pero okay lang." Bumaba ang tingin ni Aiden sa akin. "They bullied Mommy, Dad. ‘Yung mga pulis. Sinabihan nila si Mommy na delusional siya. Sinabihan nila si Mommy na wala kang as

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 58

    Kabanata 58Alex's POVHinawakan ko ang malamig na kamay ni Aiden. Sobrang lamig. Parang yelo. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon ng ospital o dahil sa kung ano pa. Pero hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Hindi ko gusto na ganito ang anak ko."Aiden." Tawag ko sa kanya. Mahina. Parang natatakot akong sumagot siya. Pero mas natatakot akong hindi siya sumagot.Hindi siya sumagot."Baby… Wake up. Mommy is here." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Please, Aiden. Nag-aalala ako sa iyo."Wala pa ring reaksyon.Nakita ko ang dugo sa damit niya. Tuluyan akong napaiyak. "Please… Huwag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin kung mawala ka. Ikaw lang ang meron ako bago dumating si Daddy mo."Niyakap ko ang walang malay kong anak habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na mahal ko siya. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko siya iiwan.Maya-maya'y dumating ang mga pulis. Tatlo sila. Nakasuot ng uniporme. May dalang notebook at ballpen. Tumingin sila sa akin. Tu

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 57

    Kabanata 57Alex's POVTahimik ang hapunan namin ngayong gabi. Hindi gaya ng dati na puno ng kwentuhan at tawanan. May kakaiba sa hangin. May mabigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may masamang mangyayari.“Wife, mawawala ako ng ilang linggo dahil may business trip ako sa Indonesia,” sabi ni Azrael habang kumakain kami ng hapunan. Hindi niya ako tinitignan. Nakatuon ang atensyon niya sa pagkain sa harapan niya.Nag-angat ako ng tingin bago sinubo ang pagkain. “Ayos lang. Mag-ingat ka lang doon.” Pilit akong ngumiti. Hindi ko gustong ipakita na nalulungkot ako. Hindi ko gustong ipakita na natatakot akong mawala siya kahit ilang linggo lang.Bumaling siya sa anak naming si Aiden na abala sa pagkain ng ice cream. “Son, bantayan mo si Mommy habang nasa abroad ako. Kapag may nanakit kay Mommy, inform me agad. Okay?”“Yes, Dad. I will protect Mommy!” masiglang sagot ni Aiden kahit na punong-puno ang bibig niya. “Promise! Walang mananakit kay Mommy habang wala ka.”“Goo

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 56

    Kabanata 56 Alex's POV Pagkapasok ko pa lang sa elevator ng Laurent Holdings, alam ko nang may iba sa hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ramdam ko ang pagbabago. Parang lahat ng tao sa paligid ko ay may kanya-kanyang ngiti na hindi ko maintindihan. May mga nakatingin sa akin na may halong paghanga, may iba namang parang natutuwa na makita ako. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Nang magbukas ang p***o ng elevator sa floor ng mga architects, hindi na ako nagtaka kung bakit. Bawat taong lumalabas at pumapasok sa elevator ay pinag-uusapan si Susan. Hindi ko maiwasang marinig ang mga bulungan nila. "Alam mo ba, simula kaninang umaga, naglilinis na siya. Hindi siya pinayagang umupo kahit isang segundo," sabi ng isang babae na nakasuot ng black blazer. Nakatingin siya sa cellphone niya habang nagkukuwento sa kasama niya. "Seryoso? Si Susan na architect? Ang may-ari ng Mendez Group?" tanong ng isa pa, halatang hindi makapaniwala. "Oo. Sinabi mismo ni Sir Azrael. Hindi na

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 3

    Kabanata 3Alex’s POVNakatulala lang ako sa hawak kong pregnancy test nang nakita ang dalawang guhit. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan kaya bumili ako ng PT kanina.“No…” mahina kong bulong. Mabilis akong umiling.Agad akong kumuha ng isa pang pregnancy test at ulit iyong ginamit Pero par

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 2

    Kabanata 2Alex's POVPagpasok pa lang namin sa isang kwarto, agad inangkin ng estranghero ang labi ko kasabay ng pagbaba niya sa zipper ng dress ko. Pinatalikod niya ako at hinalikan ang leeg ko habang ang mga kamay niya ay naglalakbay sa iba't ibang parte ng katawan ko. "So what's your name?" t

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 1

    Kabanata 1Alex’s POV“Nasaan na ba si Marco?” tanong ng mommy ni Marco habang palinga-linga sa entrance ng ballroom.Mabilis akong napatingin sa paligid dahil wala rin akong maisagot. Kanina pa late si Marco.“Baka traffic lang, tita,” pilit kong sagot kahit ako mismo kinakabahan na.Napatingin ak

  • My Baby's Daddy Is My Boss (SPG)   Kabanata 30

    Kabanata 30Alex's POVPagod na pagod ang buong katawan ko nang nagising ako kinabukasan dahil sa magdamag na sex kasama si Azrael.Hindi ko alam kung ilang beses kaming nagtatalik kagabi. Nawalan na ako ng bilang. Ang alam ko lang, hindi na ako makagalaw nang maayos. Masakit ang mga binti ko. Masa

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status