Aella's POV Matapos ang naganap na grocery incident kung saan literal na binaliw ako ni Zion sa mga banat niya tungkol sa pagiging opisyal na pamilya, hindi na ako nakatulog nang maayos. Paulit-ulit kong naiisip na napakarami na niyang nagawa para sa amin ni Luna. Pinrotektahan niya kami sa mga lasing, sa mga tsismosa, binigyan si Luna ng bisikleta, at lagi kaming binubusog. Pakiramdam ko, napaka-unfair naman kung taga-tanggap lang ako. Kaya naman, ngayong linggo ng umaga, nagising ako nang alas-singko para magluto. Plano kong suklian ang lahat ng kabaitan ng bilyonaryo kong landlord sa pamamagitan ng isang masarap na breakfast. “Simple lang naman ’to, Aella. Pancakes lang, kayang-kaya mo ’to,” bulong ko sa sarili ko habang hinahalo ang flour, gatas, at itlog sa loob ng mangkok dito sa kusina ng Unit B. Habang natutulog pa si Luna, kinuha ko ang cellphone ko at nag-text kay Zion. Aella: "Zion, gising ka na ba? Kung wala kang gagawin, breakfast ka rito sa unit. Nagluluto ako." Hin
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-26 อ่านเพิ่มเติม