Aella's POV Kung mayroon mang pinakamalaking pagbabago kay Zion simula nang maging official ang pamilya namin sa drowing ni Luna, ’yun ay ang kaniyang mukha. Dati, noong bagong lipat pa lang kami sa compound, ang tingin ko sa kaniya ay nakakatakot na rebulto ng kasungitan. Palaging nakakunot ang noo, seryoso ang mga mata, at ang boses ay parang laging dominante at malamig. Pero ngayon? Sabado ng umaga habang nagtitimpla ako ng kape sa kusina ng Unit B, napansin ko na naman ang kakaibang phenomenon na ’to. Si Zion, nakaupo sa carpet ng sala, kasalukuyang ginagawang unan ni Luna habang pinapanood si Duke na hinahabol ang dulo ng kaniyang sinturon. At ang loko, nakangiti. Hindi lang basta tipid na ngiti. Kundi isang malawak, abot-taingang ngiti na nagpapakita ng kaniyang mga pantay na ngipin at nagpapasingkit sa kaniyang mga mata. Ang gwapo-gwapo niya, mukha siyang commercial model ng toothpaste na hinaluan ng aura ng isang napakalambing na tatay. “Boss Daddy, look at Duke! He think
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-26 อ่านเพิ่มเติม