Aella's POV Kung may mas hihigit pa sa stress ng pagiging isang empleyado, ’yun ay ang pagsasabay ng deadline sa trabaho at ng may sakit na anak. Simula pa kaninang madaling araw, pabalik-balik na ako sa pagitan ng laptop ko at ng higaan ni Luna. Napakataas ng lagnat niya dahil pumapalo ng 39.2 degrees at walang tigil ang pag-iyak niya dahil sumasakit daw ang kaniyang dila at lalamunan. “Mommy, my head hurts… and my throat is ouchy,” naiiyak na bulong ni Luna habang nakapikit ang mga mata, namumula ang buong mukha. “Shh, baby, iinom tayo ng gamot, ha? Wait lang si Mommy, tatapusin ko lang ’tong report,” natatarantang sagot ko habang mabilis na nagta-type sa laptop gamit ang isang kamay, habang ang isa naman ay nagpapakulo ng tubig para sa kaniyang maligamgam na bimpo. Mag-aalas-diyes na ng gabi. Puyat, pagod, at tila sasabog na ang utak ko sa stress. Gusto ko nang maiyak sa frustration. Bakit ba kasi sabay-sabay? Habang pinupunasan ko ang noo ni Luna, biglang tumunog ang pinto ng
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-26 Mehr lesen