“Doc Drake... as in handa na po ang operating room... pero may urgent na balita galing sa maintenance department tungkol sa main power line ng surgical wing ngayong umaga,” ang bungad ng nurse na pumasok sa ICU, hingal na hingal habang hawak ang isang emergency radio.“Anong meron sa power line, Nurse? Siguraduhin mong hindi maaantala ang operasyon ng anak ko dahil nakasalalay dito ang buhay niya,” ang seryosong sagot ni Drake, lumapit siya agad sa tabi ko at hinawakan ang malamig kong kamay, pinaparamdam ang isang masuyo at maalagang proteksyon na unt-unting nagpapakalma sa buong sistema ko.“May naitatalang overload sa breaker malapit sa boiler room, Doc... pero inaayos na po ng engineering team, sabi nila ay safe naman daw pong ituloy ang pag-transport kay Noah sa operating theater dahil gumagana naman ang mga backup generator,” paliwanag ng nurse bago ito mabilis na lumabas para tulungan ang surgical staff.Humarap sa akin si Drake, ang kanyang cold at seryosong mukh
Read more