Maxine’s POVNanlalaki ang aking mga mata habang nanginginig ang kamay sa hawak kong dokumentong hinagis sa akin ni Jake kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito.'Ang lalaking 'yon! Siya ang ama ng dinadala kong bata,' sambit ko sa sarili sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi."Paano mo nagawa sa 'kin ang bagay na 'to, Max? Paano mo ko nagawang lokohin?!"Halos tumalon ang aking balikat nang marinig ang malakas na sigaw ni Jake. Sa unang pagkakataon, nagalit siya sa akin.Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagmakaawa."J-Jake! This is a mistake! Hindi ko to sinasadya! A-Ang totoo na-set up lang ako!""Na-set up? Nino? Paano? Ilang kasinungalingan pa ba ang sasabihin mo sa 'kin, Maxine?! Tama na! Tapos na tayo, tama na!"Marahas na binawi ni Jake ang kanyang kamay at padabog na lumabas ng pinto ng ospital. Hindi ko malaman ang gagawin ko, ang tangi ko lang nagawa ay humagulgol nang todo."Sorry, Jake! Sorry!"***Tatlong linggo ang lumipas, kahit anong gaw
Last Updated : 2026-05-25 Read more