LOGINDrake's POV
Nakalapat ang aking mga daliri sa ibabaw ng keyboard, pero kahit lumipas na ang ilang oras, wala pa rin akong natitipang mga letra. "Sir, nandito po ang proposal ng Wright Corporation. They are also asking for follow up sa nakaraang negotiations?" rinig kong wika ng aking assistant na ngayon ay nakatayo sa aking harapan. Marahang tumaas ang aking tingin, saka tumama sa kaniyang mukha. "I don't need a dying company. Akala ko ay naipadala na ang rejection ko sa kanila? Bakit hanggang ngayon ay nangungulit pa rin sila sa 'kin?" kunot-noo kong wika sa kanya. "Yes, sir. We did send the letter, pero umaasa pa rin po sila na magbabago ang isip nyo." Huminga ako nang malalim, saka nilagay ang dalawang daliri sa aking sentido at marahang minasahe ito. "Hindi pa rin sila natuto. Nakalimutan na siguro nila na nasangkot ang kanilang pamilya sa isang illegal na gawain. Sino ang baliw na papayag pang makipag-collaborate sa kanila." Muli akong tumingin sa aking tauhan, nakita ko naman ang pagtaas ng kaniyang balikan, animoy natakot sa matatalas na tingin kong iyon. "Send a proposal sa mga Ortega, sila ang gusto kong maka-collaborate hindi ang mga Wright," utos ko sa aking assistant, saka kinuha ang cellphone na nakapatong sa lamesa. "P-Pero, Sir. Matagal na nating sinusuyo ang mga Ortega. They are an independent company at mahirap talaga silang i-please." "Wala akong pakialam! Ako si Drake Hamilton. Walang humihindi sa 'kin!" inis kong sambit sa aking assistant. Maya-maya lang, muling tumama ang tingin ko sa hawak kong cellphone. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang pangalan ng aking private investigator. "James, makakaalis ka na. Tandaan mo ang mga sinabi ko, ha?" muli kong paalala sa kanya. "S-Sige po, Sir," kinakabahan niyang tugon saka nagmamadaling lumabas ng aking opisina. Dali-dali ko namang sinagot ang telepono. "Hello?" "Sir, ipapadala ko po sa email nyo ang lahat ng nakalap naming impormasyon tungkol sa babaeng si Maxine Reyes." "Okay. I will read it." Matapos ang tawag na iyon, agad kong binuksang muli ang laptop at tiningnan ang mga dokumento. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa babaeng iyon at napapaisip niya ako nang ganito. Habang binabasa ko ang mga detalya na binigay sa akin, hindi ko magawang huminto sa mga impormasyong nakikita ko. Hanggang sa mabasa ko ang tungkol sa anak niya. No too much information, pero six years old na ang batang lalaki na iyon at hindi nakalagay kung sino ang kanyang ama. Nang mabasa ko ang mga bagay na iyon, mabilis na tumibok ang aking puso. "T-That kid. Is it really possible na anak ko siya?" Maya-maya lang, isang alaala ang bumalik sa aking isip nang araw na kasama ko ang bata. Isang marka ang kanita ko sa kanyang kamay at sigurado ako, pareho ang birthmark na iyon sa birthmark na mayroon ako. Nang isandal ko ang aking likod sa backrest ng aking swivelchair chair, pilit kong inalala ang mga nangyari. *** Nang mga oras na iyon, patungo ako sa opisina at isang bata ang humarang sa aking sasakyan. I thought he's just a beggar ngunit nang makita ko ang mukha niya sa dashcam, kumunot ang aking noo at tila nakaramdam ng kakaibang lukso. I know I never had an intimate time sa ibang babae mula nang may mangyari sa amin ng babaeng 'yon. Could it really be? Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka tumayo. "James, prepare the car. May pupuntahan tayo!" *** Maxine's POV "Max, may problema ba? Kanina ka pa tulala?" Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ko ang tinig ni Red. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana ng kotse at tiningnan ang mga sasakyang sumasalubong sa kabilang kalsada. "Nakita ko ang daddy ni Mac-mac." Alam ko at ramdam ko ang gulat ni Red nang sabihin ko ang bagay na iyon. "A-Anong sabi mo? Saan? Paano?" aniya nang sa dali niyang ihinto ang kotse sa tabi ng kalsada. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan, saka pumikit. "Siya ang muntik nang makaaksidente kay Mac-mac," pag-amin ko sa kanya. Muli akong tumingin kay Red, nababakas aa aking mukha ang pagkabahala at takot. "Red, tulungan mo ko? Anong gagawin ko? Paano kung kunin niya sa 'kin si Mac-mac? A-Alam kong baka wala naman siyang pakialam sa bata pero–" "Calm down, Max." Naramdaman ko ang mainit na palad ni Red nang hawakan niya ang aking magkabilang balikat. "'Wag kang mag-alala, nandito ako okay? I will help you no matter what. Kailan ba kita pinabayaan?" pilit na pagpapakalma ni Red sa akin. Tumango ako sa kanya at pilit na ngumiti, saka tumango. "Salamat, Red," tugon ko. Wala sa sariling napayakap ako sa kanya, marahil ay dala na rin ng takot. *** Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin kami sa ospital. "Okay ka na ba talaga, Max?" panimulang tanong sa akin ni Red. Marahan kong binaba ang mga dala kong bag sa lamesa ng opisina, saka muling humarap sa kanya at pilit na ngumiti. "Oo, Red. Okay na ko. Salamat," tugon ko. Lumakad si Red patungo sa akin. Kumunot ang aking noo nang maramdaman ang kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko. "Iikot muna ako sa mga pasyente, pero pagbalik ko, kailangan mong ipaliwanag sa 'kin ang lahat, okay?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nakita ko naman ang pagngiti ng kanyang labi. Matapos iyon ay lumabas na rin si Red mula sa opisinang kinaroroonan ko. Nagdesisyon naman akong alisin ang mga bagay na aking iniisip at mag-focus sa mga gagawin ko ngayong araw. Sinimulan kong ayusin ang mga gamit sa lamesa, ngunit makalipas lang ang ilang minuto, narinig ko ang muling pagbukas ng pinto. "Bakit, Red? May naiwan ka pa ba?" sambit ko sa pag-aakalang si Red ang pumasok sa pinto. Ngunit sa pagharap ko, nanlaki ang aking mga mata at nabitiwan ang mga bagay na hawak ko. "Bakit parang nakakita ka ng multo?" Sambit ng lalaking nakatayo sa aking harapan, kasama ang dalawa pang lalaki na tila mga bodyguard niya. "D-Drake Hamilton?" Tumaas ang kanyang kilay nang lumabas mula sa aking labi ang kanyang pangalan. "Kilala mo ko?" aniya na may halong pagtataka ang tinig. Umayos ako nang tindig saka pilit na ngumiti. "Y-Yes po, Sir. Bukod sa kayo ang pinakamayamang lalaki sa bansa at madalas ko kayong makita sa TV, ikaw din ang lalaking tumulong sa anak ko. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Sir?" diretso kong wika sa kanya, habang pinipigil ang kaba na nararamdaman ko. Tila naging epektibo naman ang sinabi ko. Nakita ko ang malalim na pagbuntonghininga ni Drake, saka hinilot ang kanyang sentido. "Miss, hindi na ako magpapaikot-ikot pa. Nandito ako to clear my mind and clear things up." Mariin akong napalunok nang marahan niyang hinakbang ang kanyang mga paa patungo sa kinaroroonan ko. Sa bawat paghakbang niya, siya namang atras ng mga paa ko, hanggang sa tuluyan nang maramdaman ng likod ko ang pader at wala na akong matakasan. Nilapat ni Drake ang palad niya sa pader kung saan ako naroon, cornering me with his arms. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa aking mga mata at tila unti-unti nitong nilalamon ang kaluluwa ko. "Miss, don't deny it. Ikaw ang babaeng nakasama ko sa hotel six years ago, hindi ba?" walang pakundangan niyang pag-bring up sa nangyari sa amin nang gabing iyon. "I-It was a mistake," tugon ko. Tumaas ang gilid ng kanyang labi at tila mas naliwanagan sa mga bagay na gusto niyang malaman. "Finally, umamin ka rin. Now tell me, ang batang si Mac-mac... Is he my son?" Nanlaki ang aking mga mata sa bagay na sinabi niya. Nagsimulang mamanhid ang aking katawan at tila walang lumalabas sa hangin sa aking labi. H-Hindi ko na ba talaga maitatago ito?Maxine's POVNakatitig ang mga mata ko sa screen ng laptop. Sa ngayon, nakakalat na sa mga articles ang date ng kasal namin ni Red. Everyone is talking about it. Ang iba ay sinasabing baka ginawa lang namin iyon upang mapagtakpan ang issue. Ang iba naman ay masaya dahil pinabulaanan namin ang kumakalat na balita.Dahil sa pagkalat na iyon, nagsimulang mamatay ang mga pagdududa. Ang reputasyon ng pamilya Miller ay unti-unti nang bumabalik. Nagsisimula na ring dumami muli ang mga partnership namin at unti-unti nang bumabalik ang stocks.Tumaas ang magkabilang gilid ng aking labi.Kahit paano, mayroon namang naging magandang resulta ang nagawa kong ito.Maya-maya lang, napatingin ako sa pinto ng aking opisina nang mabilis itong bumukas."L-Lucas?" gulat kong wika.Nagmamadaling lumakad si Lucas patungo sa aking kinaroroonan. Nababakas sa kanyang mukha ang pagtataka at hindi makapaniwala sa mga nangyayari."Lucy, bakit? Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" sunod-sunod niyang pagkompronta sa 'k
Maxine's POVThree days matapos lumabas ang issue, inakala naming ang lahat ay mawawala dahil matagal nang pina-turndown ni Lucas ang mga post sa social media, pero may ibang tao na paulit-ulit pa rin ang ginagawang ito. Ngunit kahit ganoon, nananatili pa ring matatag ang Miller Corporation. Marami nang umalis ngunit marami pa rin ang nakikipag-partner sa amin, pero alam kong hindi maaaring makuntento.Akala ko noon ay nais lang talaga ng mga business partner na iyon na makipag-collaborate sa 'min, hindi ko akalain na may dahilan pala kung bakit sila nananatili.***Sa pagsapit ng gabi, nabalot ng pawis ang aking katawan habang natutulog ako sa kama. Mariin kong kinuyom ang aking kamay habang mariing nakapikit ang mga mata ko.Pilit kong ginigising ang sarili ngunit ang panaginip ay nananatili sa aking isip na tila pelikula.Sa loob ng aking panaginip, bumalik ako sa araw ng aksidente. Hawak ako ni Lucas habang inaalalayan ako sa paglalakad. Maya-maya lang, napalingon ako sa paligid a
Maxine's POV"Ms. Miller, if you will not do something, our reputation will get damage. The company is rapidly loosing its profit. Aren't you bothered about it?"Mariing nakakuyom ang aking kamay habang ang mga mata ko ay nakatutok sa screen ng aking laptop.Minamasdan ko ang mga article na nakasulat dito at hindi ko mapigil ang galit sa aking puso.Kasalukuyan akong nasa conference room kasama ang board member ng kompanya. Nagkaroon kami ng emergency meeting dahil sa nangyayaring ito.I was currently scrolling the news on a website at hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Malaki ang naging epekto ng pag-pause ng wedding namin ni Red sa reputasyon ng Miller Group. Lumabas din ang statement ng daddy ni Red at tila hindi ito sang-ayon sa mga nangyayari.Ayon sa naka-post, I was caught cheating kaya na-pause ang wedding. Sa articles na iyon, naroon ang litrato namin ni Drake habang hawak niya si Mac-mac at nakahawak naman ang kamay niya sa 'kin.Every post is obviously an attack towa
Maxine's POVBinawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Drake. Sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi, saka nagsimulang magsalita."I'm sorry, Drake. Pero may mga bagay na hindi madaling kalimutan. I know you want to do this for Mac-mac, pero minsan, mas mabuti nang iwan ang masakit na nakaraan kaysa ulitin ang pagkakamaling matagal mo nang gustong kalimutan."Sandaling natahimik si Drake at hindi nakatugon sa aking sinabi. Bumagsak ang kaniyang mga kamay na animoy nawalan ng lakas, hanggang sa maya-maya lang, narinig ko ang tinig ni Mac-mac."Mommy, daddy! Tingnan nyo 'yong kite ko ang taas," matutuwang wika ni Mac-mac habang tinuturo ang saranggola niyang nasa itaas."Ang ganda nga!" sigaw ko bilang pagtugon sa kanya.Sinimulan kong ihakbang ang aking paa, ngunit muli kong naramdaman ang mainit na palad ni Drake nang hawakan niya ang kamay ko."Naiintindihan ko, Max. Pero kahit ngayon lang, hayaan mo sanang ipakita natin sa anak natin na okay tayo," sambit niya saka lumaka
Maxine's POVSa pagbaba ko mula sa kuwarto, nakita ko si Mac-mac na kumakain ng sandwich sa habang ang mga paa ay dumuduyan-duyan sa sofa na animoy natutuwa sa nakikita.Samantalang sina Drake at Red naman, kahit malayo ang kanilang inuupuan, matalas ang tingin ng dalawang ito sa isa't isa. Kung mayroon lang kapangyarihan ang mga mata ko, maaaring makakita ako ng kidlat sa pagitan ng dalawang iyon.Halos hindi maputol ang tingin nila sa isa't isa.Lumakad ako pababa ng hagdan, saka lumapit sa mga ito."Red, anong ginagawa ko rito?" una kong tanong sa lalaking iyon."I heared na magkakaroon daw kayo ng picnic sa park? As your fiancé, I have the right to join, right?" saad ni Red sa akin habang sarkastiko ang mga ngiti.Tumayo naman si Drake at nagpamulsa."I remember it right, tinatawag ang lakad namin ngayon na family bonding. My blood is running in Mac-mac's vein and so as Maxine. How about you? Sino ka ba?"Nakita ko ang mariing pagkuyom ni Red sa kanyang kamay at tila nais na niyan
Maxine's POVMariin ang pagkuyom ng aking kamay. Matalas ang aking mga mata na nakatingin sa exit ng airport kung saan hinihintay ko si Drake na lumabas.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, bigla ko na lang namalayan na narito na ako sa lugar na ito, hinihintay ang kaniyang pagdating.Ang sabi ko sa sarili, hindi ako pupunta para sunduin sila, ngunit heto ako, kasama si Mac-mac na naghihintay sa kanyang daddy."Mommy, excited na ko makita si daddy," masayang sambit ni Mac-mac sa akin.Napangiwi na lang ako sa kanyang sinabi.'Tama! Si Mac-mac ang dahilan kung bakit kami narito sa airport. Miss na kasi niya ang kanyang ama at gusto na rin niyang makita ang kanyang lola.'Ngumiti ang aking labi kay Mac-mac."Maghintay lang tayo nang kaunting minuto pa, Mac-mac. Parating na rin sila," tugon ko sa bata.Makalipas ang ilang minuto, tumama ang tingin ko sa labasan ng mga tao. Tila naging mabagal ang paligid nang makita ko si Drake na naglalakad. Nakasuot siya ng shades at ang
Maxine's POV"Cheers!"Kaliwa't kanang humahampas ang beywang ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. It was a wild party na hindi ko inaasahan. Ang sabi sa akin ng kapatid ko, kakain lang daw kami sa restaurant, ngunit namalayan ko na lang na nandito na ako sa isang bar at pinanonood sila
Maxine's POVMabilis akong tumalikod sabay sa pagpasok ng nurse sa loob ng silid, saka muling sumara ang pinto. Mabuti na lang at hindi niya ako nakita.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntonghininga. Mabilis ang tibok ng aking puso at hindi malaman kung ano ang gagawin ko.Hindi ko p
Maxine's POVMarahang kumunot ang noo ko nang unti-unting magising ang aking diwa. Naaamoy ko ang amoy ng gamot sa paligid."Nasa langit na ba ako?" tanong ko sa sarili.Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at nabalot ng pagtataka nang lumingon ako sa paligid."N-Nasaan ako? B-Baki
Maxine’s POVNanlalaki ang aking mga mata habang nanginginig ang kamay sa hawak kong dokumentong hinagis sa akin ni Jake kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito.'Ang lalaking 'yon! Siya ang ama ng dinadala kong bata,' sambit ko sa sarili sabay sa paggapang ng luha sa akin







