Share

Chapter 4

Author: Rhan Jang
last update publish date: 2026-06-01 15:09:05

Maxine's POV

Mabilis akong tumalikod sabay sa pagpasok ng nurse sa loob ng silid, saka muling sumara ang pinto. Mabuti na lang at hindi niya ako nakita.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntonghininga. Mabilis ang tibok ng aking puso at hindi malaman kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko pwedeng pabayaan si Maki na kasama ang daddy niya, hindi pwede 'yon.

"Kuya."

Sandali akong natigilan nang marinig kong magsalita si Mac-mac.

"Kuya, ikaw po ba ang tatay ko? Kasi kamukha mo 'yung lalaking nasa TV na laging tinitingnan ni nanay," inosenteng sambit ng anak ko.

Mabilis akong napatakip ng bibig at halos hindi mahanap ang gagawin. Hanggang sa maya-maya lang, narinig ko ang impit na pagtawa ni Drake.

"Bakit, bata. Wala ka bang tatay?" kunot-noong tanong ni Drake.

"Meron po akong–"

"Mawalang galang na po, Sir Hamilton. Nandito na po ang resulr paper ng bata, so far okay naman po lahat ng labtest niya," pagputol ng babaeng nurse sa sasabihin ni Mac-mac.

"Ganoon ba? Salamat."

Kinuha ni Drake ang mga papeles at muling humarap sa anak ko. Marahan niyang ginulo ang buhok ni Mac-mac at ngumiti nang tipid.

"Look, kid. Baka isa lang ang nanay mo sa mga fans ko. Kung hindi mo naitatanong, I am the most richest man in our country and because of that, hindi basta-basta ang oras ko. You are lucky because I give a little minute for you," sunod-sunod na wika ni Drake kay Mac-mac, isang bagay na alam kong makakasakit sa damdamin ng anak ko.

"Ganoon po ba? Pasensya na po."

"Nurse, wala pa ba ang nanay ng batang to? I have a meeting at kailangan ko nang umalis," nagmamadaling wika ni Drake.

"Ang totoo po, Sir. May babaeng nakatayo kanina sa pinto."

"Babae?"

Sa mga oras na ito, alam kong ang mga mata ni Drake ay nakatingin sa direksyon ng pintuan kung saan ako naroon. Wala akong nagawa kung hindi ang lakasan ang loob ko.

Huminga ako nang malalim saka muling binuksan ang pinto. Sa pagpasok ko sa loob, nababakas ang pag-aalala sa aking mukha nang makita ko si Mac-mac.

"Anak, ayos ka lang?" mabilis kong tanong sa anak ko, saka tumakbo palapit sa kanya.

"Okay lang po ako hindi naman ako nasaktan. Thank you po kay kuyang pogi at mabilis niya akong nadala sa ospital," tugon sa akin ni Maki.

Mariin akong lumunok saka lumingon kay Drake. Nababakas sa mukha niya ang pagtataka tulalang nakatingin sa akin.

"Sir, thank you po sa pagligtas sa anak ko. I'm sorry, napabayaan ko siya," wika ko saka bahagyang yumuko nang kaunti. "Pasensya na ulit. Since okay naman na ang anak ko, aalis na kami," nagmamadali kong sabi, saka kinuha ang kamay ng aking anak at nagmadaling lumakad patungo sa pinto.

"Miss, sandali lang."

Natigilan ako at napalingon naman si Mac-mac.

"May sasabihin pa po ba kayo?" tanong ko, saka muling humarap.

"Tell me... Nagkita na ba tayo? Parang nakita na kasi kita."

Diretso siyang nakatingin sa akin, halata sa kanyang mukha na naguguluhan siya sa mga nangyayari.

It was six years ago, imposibleng maalala pa niya ako dahil isa lang naman akong normal na tao.

"I'm not sure. Baka kamukha ko lang. We have to go, salamat ulit," muli kong pagtugon sa kanya.

Hawak ang kamay ni Mac-mac, agad kaming lumabas at tumungo sa waiting area ng ospital.

Tila bumigat ang aking tuhod nang mapaupo ako sa bench na nandoon.

'Sana hindi niya ako namukhaan. Paano kung malaman niya ang tungkol kay Mac-mac? Paano na ako? Baka kunin niya ang anak ko?' wika ko sa sarili habang hindi mapigil ang sarili sa pag-iisip.

Maya-maya lang, natigilan ako nang maramdaman ang mainit na palad ng anak ko sa aking kamay.

"Nanay, okay ka lang po ba? Sorry na, nanay. Sorry kasi lumabas ako ng bahay. Nakalimutan mo kasi to," sunod-sunod na wika ni Mac-mac sa akin, saka niya nilahad ang isang papeles na kailangan ko sa opisina.

Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata. Muntik na siyang maaksidente dahil sa kapabayaan ko.

Mabilis at mahigpit kong niyakap ang anak ko.

"I'm sorry, anak. Okay lang si mommy, wala kang kasalanan, ha? Tama na, wag mo nang isipin 'yon," ani ko.

Tumango naman si Mac-mac at pinunasan ang kaunting luha.

Maya-maya pa, sabay kaming napalingon ni Mac-mac nang makita namin ang kotse ni Red na pumarada sa harap ng ospita. Halos lakad takbo si Red nang lumabas sa kotse at nababakas ang takot sa kanyang mukha nang papalapit siya sa amin.

"Mac-mac, anong nangyari? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Red sa bata, saka niyakap nang mahigpit.

"Hindi po, daddy Red. Okay na po ako."

"Mabuti naman, nag-alala ako sa 'yo. Sa susunod magsasabi ka sa 'kin kapag lalabas ka ng bahay, ha?" paalala ni Red sa bata, saka marahang ginulo ang buhok ni Mac-mac.

"Opo!"

Nagsimulang sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko silang dalawa. Ang totoo, para na silang mag-ama kung titingnan. Nanlaki ang aking mga mata sa bagay na sinabi ko, saka isang ideya ang pumasok sa aking isip.

'Oo nga. Magiging mabuting daddy si Red sa anak ko. Baka kapag nalaman ni Drake na may tatay talaga si Mac-mac, hindi na niya pagdudahan ang bata.'

Mabilis kong iniling ang aking ulo, saka pilit na inalis ang mga bagay na iniisip ko.

'Sa tingin mo ba naalala ka pa ng lalaking 'yon, Maxine? Siyempre hindi na! Hindi lang naman ikaw ang babaeng naikama niya,' bulyaw ko sa sarili, saka halos kilabutan sa mga bagay na iniisip ko.

"Maxine, tapos na ba ang medical service nyo?" pagputol ni Red sa mga bagay na aking iniisip.

"H-Ha? Oo, Red. Pinaasikaso ko na sa kasamahan ko na nandoon."

"Good kung ganoon. I guessed pagod na si Mac-mac, umuwi na tayo para makapagpahinga," sunod-sunod na suhesyon ni Red. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya.

Mabuti na lang talaga at nandito siya, alam kong maaasahan ko siya sa lahat ng oras. Nilahad ni Red ang kanyang kamay sa aking harapan.

"Let's go?" aniya.

Tumango ako at tinanggap ang kamay na iyon. Hangga't kaya kong itago ang tungkol kay Mac-mac, gagawin ko para sa ikatatahimik ng aking buhay.

***

Drake's POV

"Mr. Hamilton, kanina pa po kayo nakatayo at nakatingin sa pamilyang 'yon. M-May problema po ba?"

Nanatiling nakatingin ang aking mata sa babae at batang lalaki na nakita ko kanina. Hindi ko alam kung bakit, ngunit may kung ano sa loob ko ang tila nag sasabihin nakita ko na siya.

Kumunot ang aking noo at tinitigan siyang mabuti, hanggang sa tuluyan silang lumabas sa pinto ng ospital.

"Mr. Hamilton?"

Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang muling magsalita anv aking assistant.

"Sir, may problema po ba?"

Humalukipkip ako at matalas na tumingin sa kawalan.

"James, alamin mo kung sino ang babaeng 'yon," utos ko sa kanya.

Kunot-noo naman siyang sumunod ng tingin sa direksyon na iyon.

"S-Sir, kailan pa kayo nagkaroon ng interest na sumira ng pamilya?" seryoso niyang tanong.

Isang matalas na tingin ang tinapon ko sa kanya, saka napabuntonghininga.

"Look! I don't need to explain my self. Gawin mo ang inuutos ko," inis kong sambit saka lumakad patungo sa parking lot.

"O-Opo, Sir!"

Nang tuluyan akong makapasok sa kotse, marahan kong sinandal ang aking likod sa upuan. Sa pagpikit ng aking mga mata, isang alaala ang muling bumalik sa aking isip, sabay sa mabilis na pagbukas ng talukap nito.

"T-That woman!" sigaw ko nang maalala ko siya.

"S-Sir? May problema po ba?"

"Siya ang babaeng nakasama ko sa hotel six years ago." Muli akong lumingon sa entrada ng ospital, nagbabakasakaling matanaw pa ng mga mata ko ang babaeng iyon. "Ang batang anak niya. H-Hindi kaya anak ko siya?"

Nang lumabas sa labi ko ang mga salitang iyon, hindi na mawala sa aking isip ang posibilidad na ang batang iyon... ay anak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 58

    Maxine's POVNakatitig ang mga mata ko sa screen ng laptop. Sa ngayon, nakakalat na sa mga articles ang date ng kasal namin ni Red. Everyone is talking about it. Ang iba ay sinasabing baka ginawa lang namin iyon upang mapagtakpan ang issue. Ang iba naman ay masaya dahil pinabulaanan namin ang kumakalat na balita.Dahil sa pagkalat na iyon, nagsimulang mamatay ang mga pagdududa. Ang reputasyon ng pamilya Miller ay unti-unti nang bumabalik. Nagsisimula na ring dumami muli ang mga partnership namin at unti-unti nang bumabalik ang stocks.Tumaas ang magkabilang gilid ng aking labi.Kahit paano, mayroon namang naging magandang resulta ang nagawa kong ito.Maya-maya lang, napatingin ako sa pinto ng aking opisina nang mabilis itong bumukas."L-Lucas?" gulat kong wika.Nagmamadaling lumakad si Lucas patungo sa aking kinaroroonan. Nababakas sa kanyang mukha ang pagtataka at hindi makapaniwala sa mga nangyayari."Lucy, bakit? Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" sunod-sunod niyang pagkompronta sa 'k

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 57

    Maxine's POVThree days matapos lumabas ang issue, inakala naming ang lahat ay mawawala dahil matagal nang pina-turndown ni Lucas ang mga post sa social media, pero may ibang tao na paulit-ulit pa rin ang ginagawang ito. Ngunit kahit ganoon, nananatili pa ring matatag ang Miller Corporation. Marami nang umalis ngunit marami pa rin ang nakikipag-partner sa amin, pero alam kong hindi maaaring makuntento.Akala ko noon ay nais lang talaga ng mga business partner na iyon na makipag-collaborate sa 'min, hindi ko akalain na may dahilan pala kung bakit sila nananatili.***Sa pagsapit ng gabi, nabalot ng pawis ang aking katawan habang natutulog ako sa kama. Mariin kong kinuyom ang aking kamay habang mariing nakapikit ang mga mata ko.Pilit kong ginigising ang sarili ngunit ang panaginip ay nananatili sa aking isip na tila pelikula.Sa loob ng aking panaginip, bumalik ako sa araw ng aksidente. Hawak ako ni Lucas habang inaalalayan ako sa paglalakad. Maya-maya lang, napalingon ako sa paligid a

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 56

    Maxine's POV"Ms. Miller, if you will not do something, our reputation will get damage. The company is rapidly loosing its profit. Aren't you bothered about it?"Mariing nakakuyom ang aking kamay habang ang mga mata ko ay nakatutok sa screen ng aking laptop.Minamasdan ko ang mga article na nakasulat dito at hindi ko mapigil ang galit sa aking puso.Kasalukuyan akong nasa conference room kasama ang board member ng kompanya. Nagkaroon kami ng emergency meeting dahil sa nangyayaring ito.I was currently scrolling the news on a website at hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Malaki ang naging epekto ng pag-pause ng wedding namin ni Red sa reputasyon ng Miller Group. Lumabas din ang statement ng daddy ni Red at tila hindi ito sang-ayon sa mga nangyayari.Ayon sa naka-post, I was caught cheating kaya na-pause ang wedding. Sa articles na iyon, naroon ang litrato namin ni Drake habang hawak niya si Mac-mac at nakahawak naman ang kamay niya sa 'kin.Every post is obviously an attack towa

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 55

    Maxine's POVBinawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Drake. Sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi, saka nagsimulang magsalita."I'm sorry, Drake. Pero may mga bagay na hindi madaling kalimutan. I know you want to do this for Mac-mac, pero minsan, mas mabuti nang iwan ang masakit na nakaraan kaysa ulitin ang pagkakamaling matagal mo nang gustong kalimutan."Sandaling natahimik si Drake at hindi nakatugon sa aking sinabi. Bumagsak ang kaniyang mga kamay na animoy nawalan ng lakas, hanggang sa maya-maya lang, narinig ko ang tinig ni Mac-mac."Mommy, daddy! Tingnan nyo 'yong kite ko ang taas," matutuwang wika ni Mac-mac habang tinuturo ang saranggola niyang nasa itaas."Ang ganda nga!" sigaw ko bilang pagtugon sa kanya.Sinimulan kong ihakbang ang aking paa, ngunit muli kong naramdaman ang mainit na palad ni Drake nang hawakan niya ang kamay ko."Naiintindihan ko, Max. Pero kahit ngayon lang, hayaan mo sanang ipakita natin sa anak natin na okay tayo," sambit niya saka lumaka

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 54

    Maxine's POVSa pagbaba ko mula sa kuwarto, nakita ko si Mac-mac na kumakain ng sandwich sa habang ang mga paa ay dumuduyan-duyan sa sofa na animoy natutuwa sa nakikita.Samantalang sina Drake at Red naman, kahit malayo ang kanilang inuupuan, matalas ang tingin ng dalawang ito sa isa't isa. Kung mayroon lang kapangyarihan ang mga mata ko, maaaring makakita ako ng kidlat sa pagitan ng dalawang iyon.Halos hindi maputol ang tingin nila sa isa't isa.Lumakad ako pababa ng hagdan, saka lumapit sa mga ito."Red, anong ginagawa ko rito?" una kong tanong sa lalaking iyon."I heared na magkakaroon daw kayo ng picnic sa park? As your fiancé, I have the right to join, right?" saad ni Red sa akin habang sarkastiko ang mga ngiti.Tumayo naman si Drake at nagpamulsa."I remember it right, tinatawag ang lakad namin ngayon na family bonding. My blood is running in Mac-mac's vein and so as Maxine. How about you? Sino ka ba?"Nakita ko ang mariing pagkuyom ni Red sa kanyang kamay at tila nais na niyan

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 53

    Maxine's POVMariin ang pagkuyom ng aking kamay. Matalas ang aking mga mata na nakatingin sa exit ng airport kung saan hinihintay ko si Drake na lumabas.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, bigla ko na lang namalayan na narito na ako sa lugar na ito, hinihintay ang kaniyang pagdating.Ang sabi ko sa sarili, hindi ako pupunta para sunduin sila, ngunit heto ako, kasama si Mac-mac na naghihintay sa kanyang daddy."Mommy, excited na ko makita si daddy," masayang sambit ni Mac-mac sa akin.Napangiwi na lang ako sa kanyang sinabi.'Tama! Si Mac-mac ang dahilan kung bakit kami narito sa airport. Miss na kasi niya ang kanyang ama at gusto na rin niyang makita ang kanyang lola.'Ngumiti ang aking labi kay Mac-mac."Maghintay lang tayo nang kaunting minuto pa, Mac-mac. Parating na rin sila," tugon ko sa bata.Makalipas ang ilang minuto, tumama ang tingin ko sa labasan ng mga tao. Tila naging mabagal ang paligid nang makita ko si Drake na naglalakad. Nakasuot siya ng shades at ang

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 5

    Drake's POVNakalapat ang aking mga daliri sa ibabaw ng keyboard, pero kahit lumipas na ang ilang oras, wala pa rin akong natitipang mga letra."Sir, nandito po ang proposal ng Wright Corporation. They are also asking for follow up sa nakaraang negotiations?" rinig kong wika ng aking assistant na n

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 3

    Maxine's POVMarahang kumunot ang noo ko nang unti-unting magising ang aking diwa. Naaamoy ko ang amoy ng gamot sa paligid."Nasa langit na ba ako?" tanong ko sa sarili.Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at nabalot ng pagtataka nang lumingon ako sa paligid."N-Nasaan ako? B-Baki

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 2

    Maxine’s POVNanlalaki ang aking mga mata habang nanginginig ang kamay sa hawak kong dokumentong hinagis sa akin ni Jake kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito.'Ang lalaking 'yon! Siya ang ama ng dinadala kong bata,' sambit ko sa sarili sabay sa paggapang ng luha sa akin

  • In Bed With Mr. Hamilton   Chapter 1

    Maxine's POV"Cheers!"Kaliwa't kanang humahampas ang beywang ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. It was a wild party na hindi ko inaasahan. Ang sabi sa akin ng kapatid ko, kakain lang daw kami sa restaurant, ngunit namalayan ko na lang na nandito na ako sa isang bar at pinanonood sila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status