LOGINMaxine's POV
Marahang kumunot ang noo ko nang unti-unting magising ang aking diwa. Naaamoy ko ang amoy ng gamot sa paligid.
"Nasa langit na ba ako?" tanong ko sa sarili.
Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at nabalot ng pagtataka nang lumingon ako sa paligid.
"N-Nasaan ako? B-Bakit parang nasa ospital ako?" nalilito kong sambit.
"Good morning, Miss. Mabuti at gising ka na."
Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang isang boses ng lalaki. Nakasuot siya ng puti at may stethoscope sa leeg.
"D-Doc, bakit ako nandito? A-Ang alam ko ay–"
Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang maalala kong binalak ko nga palang magpakamatay.
"Nandito ako dahil niligtas kita sa pagtatangka mo kagabi. Mabuti na lang at mabilis ako kung hindi, baka wala ka na sa mundo," sambit ng lalaking doktor.
Lumakad siya at lumapit sa akin. Sa pag-upo niya sa aking tabi, maingat niyang nilapat ang kanyang hintuturo sa ibabaw ng aking tiyan.
"Alam mo? Wala naman problema sa 'kin kung gusto mong magpatiwakal, pero huwag mo sanang idamay ang isang inosenteng bata," aniya na may diin ang bagbigkas sa mga salita.
Nagsimula akong lumuha nang mapagtanto ko ang pagiging sakim ko. Tama si Doc, walang kinalaman ang anak ko.
"Sorry, baby. I'm sorry," sunod-sunod kong wika saka niyakap ang sarili. Narinig ko naman ang buntonghininga ng doktor bago siya umayos ng upo.
"By the way, ako nga pala si Red Alegra. Ako ay isang surgeon."
"A-Ako po si Maxine Reyes," tugon ko.
"Nice to meet you, Maxine. Paano? Mauna na muna ako. Sabihin mo sa 'kin ang impormasyon ng pamilya mo para mapasundo na kita."
"S-Sir!"
Agad kong kinuha ang kanyang kamay para pigilan siya. Kumunot naman ang kanyang noo dahil sa ginawa ko.
"Huwag nyo pong tawagan ang pamilya ko. Ang totoo, sila ang dahilan kung bakit ko nagawa 'yon," pagtatapat ko.
Sandali siyang natigilan, diretsong nakatingin sa aking mukha at may halong pag-aalala. Hanggang sa maya-maya lang, ngumiti siya at tumango.
"Sige. Kung 'yan ang gusto mo, susundin ko. Pero, sandali nga. Pwede mo bang ikuwento sa 'kin ang mga nangyari? If you don't mind," aniya.
Noong una ay nagdadalawang isip pa ako na sabihin ang lahat, ngunit dahil sa pagligtas niya sa 'kin at sa pagiging mabuti niyang tao, nagsimula akong magsalita at sabihin ang lahat ng mga nangyari sa 'kin.
***
Isang oras na nakinig sa 'kin si Doc Red. Pakiramdam ko ay mas naging malapit na ako sa kanya.
Isang buntonghininga ang kanyang ginawa, saka napailing na lang sa mga kinuwento ko.
"Hindi ko lubos maisip na may ganoon klaseng pamilya pala? Imagine? Ginawa nila ang lahat ng iyon sa 'yo? Grabe! Parang wala silang puso," inis na inis niyang sambit habang nakakuyom ang kamay.
Napangiti na lang ako dahil pakiramdam ko, nailipat ko ang galit sa kanya.
"Anyway! Don't worry, Maxine. Dito ka na muna sa ospital ko. Tamang-tama at kailangan ko rin ng assistant dahil bago lang din itong ospital," nakangiti niyang pag-aalok sa akin.
Isang malaking ngiti ang sumilay sa aking labi.
"T-Talaga po, Doc? S-Salamat napakabait nyo!"
Simula nang araw na 'yon, si Red na ang tumulong sa 'kin.
***
Sa paglipas ng panahon, unti-unti akong natututo sa medisina. Nagbasa ako ng mga libro at naging ito ang libangan ko. Ngunit isang gabi, habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa ospital, aksidente akong napatingin sa TV. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ang naroon.
"H-Hindi ba siya ang lalaking nakasama ko sa hotel?" wika ko sa sarili habang pinanonood ang interview sa isang lalaki.
"So, Mr. Drake Hamilton. Ikaw ang tinaguriang pinakamayamang tao sa bansa ang tanong ng marami, may plano ka bang mag-asawa?" narinig kong sabi ng host sa tv show.
"Kung ganoon, mayaman pala ang ama ng batang ito," sambit ko, saka marahang hinimas ang aking tiyan.
"No! Wala akong planong magkaroon ng asawa o girlfriend. At lalong-lalong wala akong planong magkaroon ng anak. Masiyado akong abala sa trabaho at maraming bagay, I don't think I can give time to a child," malamig at walang emosyong wika ni Drake.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit naramdaman ko ang kirot sa aking puso nang marinig ito.
'Pati pala ang ama ng batang dinadala ko, masama rin ang ugali. Hindi bale, baby. Ako ang bahala sa 'yo. Poprotektahan kita.'
"Max, may problema ba?"
Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Red.
"H-Ha? Wala namang problema, Doc Red. Anyway, may gagawin pa kasi ako," nagmamadali kong sambit, saka mabilis na lumakad papasok sa medicine room.
Sa pagdating ko roon, hindi ko akalain na nasa likod ko lang pala si Doc Red.
"Max, tell me. Kilala mo ba si Drake Hamilton? Iba kasi ang tingin mo sa kanya kanina."
Natigilan ang aking kamay sa pag-aayos ng gamit nang marinig ko ang sinabi niya.
"B-Bakit mo naman naisip 'yan, doc?" sambit ko, saka mariing lumunok.
"Wala naman. Pero kung kilala mo siya, mabuting umiwas ka sa lalaking 'yon."
Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka tumango.
"Y-Yes, Doc Red. Alam ko naman."
Naramdaman ko ang kamay ni doc Red nang hawakan niya ang aking balikat, marahan niya akong pinaharap sa kanya saka ngumiti.
"Don't worry, Max. Ano man ang nangyari sa nakaraan ay mananatiling nakaraan," aniya na tumunaw sa aking puso.
"Tama kayo, Doc."
***
Hindi ko akalain na mabilis na lilipas ang anim na taon. Pinili kong itago ang anak ko sa publiko at hanggang ngayon, wala pa ring nakaalam kung sino ang kanyang ama.
Ngunit habang lumilipas ang araw, hindi ko maikakaila na nagiging kamukha niya ang kanyang ama.
"Nanay!"
Mabilis akong napalingon nang marinig ang maliit na tinig ng anak kong si Maki.
"Mac-mac!" sigaw ko saka kumaway sa kanya.
Lumabas siya ng gate mula sa eskwela at mabilis na yumakap sa aking bisig.
"Nanay, akala ko hindi mo na ko susunduin, eh!" may pagtatampong wika ng anak ko.
Pinindot ko nang kaunti ang matangos niyang ilong saka ngumiti.
"Bakit mo naman naisip na hindi kita susunduin, ha? Marami lang kasi akong ginawa sa ospital, anak. Pasensya ka na, ha?" natatawa kong sambit.
"Okay lang po 'yon, nanay! Ang mahalaga nandito ka na."
Marahan akong lumuhod upang magpantay ang mukha namin ni Maki.
"Oo nga pala, anak. Sa susunod na linggo, may medical service si nanay sa isang kompanya, ha? Baka si tito Red mo muna ang susundo sa 'yo. Don't worry, malapit lang naman 'yon sa bahay," sunod-sunod kong pagpapaalam sa aking anak.
Masayang tumango si Maki.
"Sige po, nanay. Magpapakabait ako kay tito Red."
"That's my boy! Oh, paano? Let's go?"
Masayang tumango ang anak ko saka kinuha ang aking kamay. Sa loob ng anim na taon, pakiramdam ko ay napuno ang buhay ko dahil sa batang ito. Ngunit hindi ko akalain na dito na pala magsisimulang magbago ang lahat.
***
"Naayos mo na ba ang lahat, Max?"
Napalingon ako sa pinto ng kuwarto nang marinig ang tinig ni Red, saka ngumiti ang aking labi.
"Oo, Red. I think nandito naman na lahat," tugon ko sa kanya, saka sinara ang zipper ng dala kong bag.
"Tatlong araw lang naman ang medical service nyo sa DH Corporation, 'di ba?"
"Yup! Don't worry, Red. Pagbubutihin ko."
Impit na natawa si Red sa aking sinabi, saka napailing. Sandali akong natigilan nang hawakan niya ang aking balikat.
"I trust you, Max. Ako lang naman ang hindi mo pinagkakatiwalaan, eh," aniya na tila may pagtatampo ang tinig.
Hindi kaila sa akin ang nararamdaman ni Red. Sa tagal naming magkasama, alam ko ang pagtingin niya sa 'kin. Pero sa loob ko, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niyang iyon.
Pilit kong ningiti ang aking labi, saka marahang inalis ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat.
"Mala-late na ko, Red. Kailangan ko nang umalis. Ikaw na muna ang bahala kay Maki, ha?" pagbilin ko sa kanya.
Tumango naman siya at pilit na ring ngumiti, saka nilagay ang kamay sa kanyang bulsa.
"Sure! Ako na ang bahala sa kanya. Mag-iingat ka, Max."
"Thank you," tugon ko saka kinuha ang aking bag.
Sandali akong pumunta sa silid ng aking anak, saka mag-iwan ng isanv halik sa kanyang noo habang ito ay natutulog.
"Babalik agad si nanay, anak. Huwag kang magpapasaway, ha?" bulong ko sa natutulog na bata.
***
Sa pagdating ko sa DH Corporation, nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso.
"Gosh! Ngayon lang ako kinabahan nang ganito," sambit ko saka hinawakan ang kumakabog kong dibdib.
"Kaya mo 'yan, Max!" pagpapalakas ko sa sarili.
Pumasok ako sa loob at nagpa-assist sa receptionist. Everything went smooth at sinimulan na ang pagbibigay ng medisina sa isang conference room. Ngunit sa gitna ng pagiging abala ko, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone at agad ko itong kinuha sa bulsa.
Kumunot ang aking noo nang makita ang isang numero.
"Hello?"
"I-Is this Maxine Reyes?"
"Y-Yes po, speaking?"
Nagsimulang mabalot ng kaba ang aking puso dahil sa tinig ng taong nasa kabilang linya.
"M-Ms. Maxine, pumunta po kayo agad sa Elite Hospital. Naaksidente po ang anak nyong si Maki."
Nanlaki ang aking mga mata at bumagsak ang hawak kong cellphone. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Agad akong tumakbo at iniwan ang lahat ng aking trabaho, habang patuloy ang pagluha.
"Diyos ko! Pakiusap, 'wag nyo pong hayaang may mangyaring masama sa anak ko."
Nang makarating ako sa Elite hospital, halos hindi ko maigalaw ang aking binti nang makalapit ako sa silid kung saan naroon ang anak ko, ngunit agad akong natigilan nang hawakan ko ang doorknob.
"May masakit pa ba sa 'yo? Sigurado ka bang ayos ka na, bata?" wika ng lalaking nasa loob ng silid.
'P-Pamilyar ang boses niya.'
"Opo, kuya. Ayos na po ako. Salamat sa tulong mo," magalang na tugon naman ng anak ko.
"Sa susunod, mag-iingat ka na sa pagtawid, ha? Mabuti na lang at mabagal lang ang kotse."
"Pasensya na po."
Isang buntonghininga ang ginawa ng lalaking may mababang tinig.
"Nasaan na ba ang mommy mo? Bakit hinahayaan ka niyang mag-isa?"
Nang marinig ko ang bagay na iyon, huminga ako nang malalim saka pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Ngunit sa pagbukas ko, nanlaki ang aking mga mata nang makita ang lalaking kausap ng anak ko.
Si Drake Hamilton, ang daddy ng anak kong si Maki.
Siya ang nakabubdol sa anak ko?
Maxine's POVMaingat kong binaba si Mac-mac sa kaniyang kama, saka siya nilagyan ng kumot. Matapos akong mag-iwan ng halik sa kanyang noo, napangiti ang aking labi nang makita ang maamo niyang mukha habang natutulog."Good night, anak ko," sambit ko sa kanya, saka tumayo at lumakad patungo sa pinto. Sa pagsara ko ng pinto, nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko si Drake na halos ilang pulgada lang ang pagitan ng mukha sa akin."Is he okay?" tanong niya na tila nag-aalala sa bata.Marahan kong nilapat ang aking kamay sa kanyang dibdib, saka bahagya siyang tinulak palayo dahil napakalapit niya sa 'kin."O-Oo. Bukas na nang umaga ang gising niya," tugon ko na halos hindi makatingin nang diretso sa kanyang mga mata."Good! Kailangan niya ng lakas dahil ilang buwan na lang, matatapos na ang klase niya at dapat ay mailipat na siya sa mas magandang school," muling wika ni Drake.Nagpamulsa siya at tumalikod sa akin. Kumunot na lang ang aking noo nang makita ang paglakad niya pala
Maxine's POVMalapit nang sumapit ang gabi nang matapos ang family day na iyon. Alam kong ang araw na ito ang pinakamasayang araw para kay Mac-mac at makita ko lang siyang masaya, kontento na ko.Lumingon ako sa aking tabi at napangiti ang aking labi. Nakita ko ang mala anghel na mukha ng anak ko habang mahimbing na natutulog sa loob ng kotse. Nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang ama habang tulog din ito.Hindi ko alam kung bakit, ngunit isang mainit na pakiramdam ang bumalot sa aking puso.'Drake, kung hindi ko lang siguro alam ang plano mo, siguro binigyan pa kita ng pagkakataon para mabuo tayo, pero... gusto mo nga bang maging pamilya tayo?'Maisip ko palang ang mga tanong na iyon, nagsisimula nang mabalot ng kirot ang aking puso.Sinandal ko ang aking ulo sa bintana ng kotse. Sa labas ay sunod-sunod ang pagpatak ng ulan na nakadadagdag sa nararamdaman ko. Hanggang sa maya-maya lang, nagsimulang bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kanina sa palaro.Isang matamis na
Maxine's POVNagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid. Dirediretso naman ang lakad ni Drake patungo sa kinaroroonan namin ni Mac-mac."D-Drake, anong ginagawa mo rito?" agad kong tanong sa kanya."Hindi ba family day to? Nandito ako dahil hindi makukumpleto ang family day nyo kung wala ako," aniya habang nakadipa ang mga braso na animoy nagyayabang.Maya-maya lang, lumuhod siya sa harapan ni Mac-mac at hinawakan ang bata sa magkabilang balikat."Sorry kung medyo na-late ako, anak," paghingi niya ng paumanhin sa bata."Wala po 'yon, daddy. Mabuti at nakarating kayo."Ramdam ko sa tinig ni Mac-mac ang labis na saya. Ito ang unang beses na magkakaroon siya ng father figure sa loob ng school.Habang nakatingin ako sa dalawa, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng init sa loob ko. Tila may kaunting tuwa ang bumabalot sa 'kin. Napakasarap tingnan ang mga ngiti ni Mac-mac pero... Hanggang kailan ba to?"Hindi ako makapaniwala, si Drake Hamilton ang tatay ng batang 'yon?" rinig kong bul
Maxine's POV"She is now in a stable condition. Mabuti na lang at nabigyan agad ng emergency assistance ang pasyente, kung hindi, baka hindi na siya umabot dito," sambit ni Red matapos niyang suriin ang matandang babae. Tila lumuwag naman ang dibdib ko nang marinig ang mga salitang iyon.Tumingin sa 'kin si Red at matipid na ngumiti."It's all thanks to you, Max. You did well," aniya, saka hinawakan ang aking balikat, pero nagulat na lang ako nang maramdaman ang marahas na paghila ni Drake sa kamay ko palayo kay Red."Yes, she is indeed a good person, no need to praise her like that," inis na wika ni Drake na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Nang tumama ang tingin ko sa dalawa, napakunot na lang ang aking noo nang makita ang matatalas na titig nila sa isa't isa.'Ano na namang problema ng dalawang to?' wika ko sa sarili.Muli akong napatingin kay Red nang hawakan niya ang kabila kong palapulsuhan."She deserves every praises."Mariin akong napalunok habang ang dalawang ito ay til
Maxine's POV"Baliw na siya! Baliw! Pinatawag lang ako doon para sermonan at utusan? Nababaliw na ba ang lalaking 'yon? Buti na lang hindi nakuha ni Mac-mac ang genes niya!" inis kong pinadyak ang ang aking paa sa sahig dahil sa inis.Inakala ko na mayroong magandang sasabihin ang lalaking 'yon pero nagkamali ako. Tulad nga ng sabi ng iba, he is just a ruthless CEO na walang ginawang tama sa mga tao niya. Pathetic!Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ang pagtunog ng elevator. Sa pagbukas ng pinto nito, agad akong pumasok sa loob at kinuha ang cellphone. Pinindot ko ang numero ni Red at agad siyang tinawagan."Hello, Max? Napatawag ka?" pagsagot niya sa cellphone.Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa, saka pilit na ngumiti."R-Red, sorry kung biglaan pero papunta na ako sa ospital ngayon.""Akala ko ba hindi ka muna–""I-I changed my mind! Gusto kong pumasok ngayon," mabilis kong pagputol sa kanyang sasabihin."Ganoon ba? Sige! I will wait for you, my nurse,
Maxine's POV"Nanay, ihahatid mo ba ko sa school?"Maingat kong nilagay ang notebook sa bag ni Mac-mac, saka binigay sa kanya."Oo naman, anak. Ihahatid kita," tugon ko. Marahan kong ginulo ang kanyang buhok, saka hinagkan sa noo. "Let's go?" muli kong sabi at nilahad ang kamay ko sa kanya.Nang hawakan ni Mac-mac ang kamay ko at akmang lalabas na kami sa malaking pinto, isang boses at nagpatigil sa 'min."Miss Maxine, sandali lang po. Bilin ni Mr. Hamilton na ihatid si young master sa school, sasamahan kayo ng driver," pagpigil ng mayordomo sa amin.Tinaas nita ang kanyang kamay at sumenyas sa mga tauhan na nandoon. Maya-maya lang, dumating ang kotse sa harapan ng drop-off."S-Sige, salamat," tugon ko. Ngunit bago ako tuluyang lumabas, muli akong lumingon sa kanya. "S-Si Drake, kanina pa ba siya umalis?" tanong ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit."Yes, miss. Kanina pa po siyang umaga umalis."Bahagya akong tumango."Ganoon ba? Salamat.""By the way, Miss. Pinatatawag din kayo ni
Drake's POVNakalapat ang aking mga daliri sa ibabaw ng keyboard, pero kahit lumipas na ang ilang oras, wala pa rin akong natitipang mga letra."Sir, nandito po ang proposal ng Wright Corporation. They are also asking for follow up sa nakaraang negotiations?" rinig kong wika ng aking assistant na n
Maxine's POVMabilis akong tumalikod sabay sa pagpasok ng nurse sa loob ng silid, saka muling sumara ang pinto. Mabuti na lang at hindi niya ako nakita.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntonghininga. Mabilis ang tibok ng aking puso at hindi malaman kung ano ang gagawin ko.Hindi ko p
Maxine’s POVNanlalaki ang aking mga mata habang nanginginig ang kamay sa hawak kong dokumentong hinagis sa akin ni Jake kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito.'Ang lalaking 'yon! Siya ang ama ng dinadala kong bata,' sambit ko sa sarili sabay sa paggapang ng luha sa akin
Maxine's POV"Cheers!"Kaliwa't kanang humahampas ang beywang ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. It was a wild party na hindi ko inaasahan. Ang sabi sa akin ng kapatid ko, kakain lang daw kami sa restaurant, ngunit namalayan ko na lang na nandito na ako sa isang bar at pinanonood sila







