“Yes, Yelena,” sagot ni Mariel sa naging tanong ni Yelena kanina. May isang masuyong ngiti pa ito sa mga labi habang titig na titig sa kanya. “Tama ang narinig mo. Isa akong Gallego. My surname, Abrera, is from my husband.”“W-Why... I-I mean...”Hindi niya matuloy-tuloy ang nais sabihin. Pinaglipat-lipat niya na lamang ang kanyang paningin dito at kay Chase. May nagtatanong na ekspresyon sa kanyang mukha at dahil doon ay agad nang nagwika ang binata.“Why don’t we talk about it inside my office, Tita Mariel... Yelena?” anito na agad pa siyang hinawakan sa kanyang kanang braso.Yelena didn’t protest when Chase guided her to walk. Hinayaan niya itong hawakan siya dahil sa totoo lang ay mas na kay Mariel Abrera ang kanyang atensyon.Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin ng mga ito sa kanya. Dama niyang hindi lang basta kaapelyido niya ang ginang. Konektado ba sila sa isa’t isa? Kamag-anak niya ba ito?“Take a seat, Yelena,” narinig niyang udyok ni Chase na inaakay pa sana siya palap
Read more