“Wow! Can I really swim there, Mama... Papa?” puno ng kasiyahan at pananabik na bulalas ni Jaxon habang sa malaking swimming pool nakatitig. Kung hindi lang marahil ito hawak ni Chase sa kamay ay baka tumakbo na ito patungo sa tubig.“Of course, you can, Jaxon. Kaya nga nakapangligo ka na, hindi ba?” wika naman ni Chase na nakayuko pa sa kanilang anak.Hanggang sa mayamaya ay bumaling sa kanya ang paningin ng binata. A gentle smile was on his lips as he also spoke at her. “How about you? Aren’t you going to take a dip?”Marahang umiling si Yelena. “Panonoorin ko na lang kayo,” nakangiti niyang saad sa binata saka si Jaxon naman ang kinausap. “You behave, okay? Huwag kang pupunta sa malalim.”“Don’t worry, Yelena. I won’t let that happen,” paniniguro pa sa kanya ni Chase bago inaya na ang kanilang anak. “Let’s go.”“Yes!” Jaxon exclaimed.Bago tuluyang maglakad patungo sa may pool ay hinubad na ni Chase ang pang-itaas na T-shirt saka iyon iniabot sa kanya. Kinuha iyon ni Yelena na hind
Read more