Agad na napatayo nang tuwid si Yelena nang makita niya ang mga magulang ni Chase. Kasalukuyan nang naglalakad ang mga ito palapit sa kanila. Chase’s mother, Carlita, had a smile on her lips. Ang ama naman nitong si Benjamin ay seryoso ang mukha at sa kanya lamang nakatuon ang mga mata.Yelena swallowed an imaginary lump in her throat. Napalingon siya kay Chase na ngayon ay seryoso rin ang ekspresyon sa mukha. Halos hindi ito nakakibo hanggang sa nasa harapan na nila ang ama’t ina nito.“Sorry we are late. Medyo natagalan kami sa pag-aayos ng regalo para sa aming apo,” wika ni Carlita habang nanatiling may ngiti sa mga labi.Pagkawika nito ay napasulyap si Yelena sa dala nitong malaking paper bag na may tatak pa ng isang sikat na toy store. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Alam niyang para kay Jaxon ang dala ng mga ito.And that made her puzzled. Ang alam niya kasi ay hindi maayos ang relasyon ni Chase sa ama nito dahil sa ginawa noon ng matandang lalaki. Though, she was hoping
Read More