“So, everything is settled now?” tanong ni Cloud kay Chase, isang hapon habang nasa loob ito ng opisina niya. Nakaupo ito sa isa sa mga visitor’s chair na nasa tapat ng kanyang executive desk habang siya naman ay nasa swivel chair niya.Marahan siyang tumango sa kanyang kapatid saka napabuga ng isang malalim na buntonghininga. Prenteng isinandal niya rin ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair bago nagwika rito.“I think so, Kuya Cloud,” saad niya. “Sa Linggo ko dadalhin ang mag-ina ko roon. I am planning to do my proposal there as well.”Isang malapad na ngiti ang iginawad sa kanya ni Cloud. “Well, ngayon pa lang, congrats na. I hope, wala nang problema sa relasyon ninyo ngayon. I can almost hear wedding bells now.”Sukat sa mga sinabi nito ay agad na natigilan si Chase. Iyon din ang isang bagay na labis niyang ipinagdadasal--- ang maging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Yelena. Hindi lang ang relasyon nilang dalawa, kundi maging ang relasyon na rin nila
Read more