“Is there something wrong?” tanong ni Chase kay Yelena nang mapuna nitong natitigilan siya. Nagdikit pa ang mga kilay nito habang pinagmamasdan siya.“You don’t need to drive me home, Mr. Serravalle. Magta-taxi na lang ako pauwi,” wika niya na agad nitong ikinailing.“No, Yelena,” salungat nito sa mga sinabi niya. “Ako ang kasama mo sa pagtungo rito. Ihahatid kita pauwi---”“I said no, Mr. Serravalle,” mabilis niyang awat sa pagsasalita nito. Sadyang nilakipan niya pa ng diin ang boses niya para makita nito ang determinasyon niyang hindi niya gustong magpahatid dito pauwi.“Why? May problema ba kung ihahatid kita pauwi?”“Walang dahilan para ihatid mo ako, Mr. Serravalle. Kaya kong umuwi mag-isa.”Natahimik si Chase. Waring may pagdududa pa ang tinging iginawad nito sa kanya. Alam niyang nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang ang pagtanggi niyang ihatid siya nito.But her decision wouldn’t change. Buo na ang pasya niyang hindi ipaalam dito ang tungkol kay Jaxon. After everything th
อ่านเพิ่มเติม