Kinabukasan ng hapon, ramdam ko pa rin ang mabigat na tension mula sa drama ng board meeting kahapon. Dahil doon, nagpasya akong lumabas muna ng building para mag-break. Saglit lang naman, pupunta lang ako sa kalapit na coffee shop para magpa-clear ng isip ko. Dito nga muna pala ako habang hindi pa nakakauwi si Sevastian. Pero paghakbang ko pa lang sa parking lot, isang anino na ang biglang humarang sa dinaraanan ko. "Alyana..." Napatigil ako, at parang mapuputpl ang hininga ko sa aking lalamunan. Ang nakatayo mismo sa harap ko ay si River. Halos hindi ko na siya makilala. Mukha siyang sabog na sabog, walang maayos na tulog, namumula ang mga mata at gusot-gusot ang damit, na tila ba hindi man lang naligo. He looked entirely frantic, malayong-malayo sa kalmado at corporate man na palagi niyang pinapakita kapag kasama si Briana. Bago ko pa man ma-process ang bigla niyang pagpapakita, biglang sumugod si River at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Alyana, please, makinig ka sa aki
Read more