Malakas ang kutob kong na brain wash siya ng babaeng nagngangalang Tamara. "Sandali, ano'ng nangyayari ri—" Nagulat ako ng mag-tama ang mga mata namin ni Mrs. Alcantara. "Who are you?" pagdakay ani Mrs. Alcantara. Napasulyap ako kay Mr. Alcantara at inayos inayos ang suot niyang glasses. "Hija, salamat ng marami sa pagligtas sa akin. Ibig sabihin ay kayo ang kinuwento sa akin nina Danilo at Teresita, hindi ba?" "Mawalang-galang po, Mr. Alcantara. Opo, siya nga po, actually po kasama niya ang kapatid niyang si Yshie." "Kapatid?" pansin kong kumunot na muli ang noo ni Mrs. Alcantara. "Opo, may kapatid po akong babae." "Pwede ko ba siyang makita?" "Oo naman po, sandali lang po at tatawagin ko," excited kong sabi saka napasulyap kay Aling Belen. "Patty, Rowena, dali kayo rito at dalhin niyo si Yshie!" tawag ni Aling Belen sa mga anak. "Opo, nay!" halos sabay na sagot ng dalawa. "Ka edad nina Patty at Rowena ba ang kapatid mong si Yshie, hija?" tanong ulit ni Mrs. Alcantara.
Read more