LOGINHINDI parin nawawala sa aking isipan ang sinasabi ni Aling Belen. Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Cassian kung saan busy sa paglilinis. Hindi naman mahirap linisin dahil konting alikabok lang meron at mas mabilis akong natapos.
Hindi ko nga namalayan ang oras. Kung hindi pa ako kinatok ni Yshie ay malamang hindi ko malalaman na oras na pala ng pananghalian. "Masyado kang seryoso ate." "Oo naman para walang ika-pintas sa atin si Sir Cassian." "Tumulong ako kay Aling Belen sa kusina. No'ng una ayaw niya pero dahil makulit ako kaya wala siyang nagawa," nakangiting sabi sa akin ng kapatid. "Dapat lang, hindi pwedeng wala kang gagawin. Kung sa tingin mo'y may dapat kang tulungan, aba, dapat lang na gumawa ka rin. Kung tamad ka ay huwag kang kakain," sabi ko pa. Mula sa silid ni Sir Cassian ay lumabas na kami ni Yshie. Dumiretso na kami sa kusina kung nasaan ang lahat na kasalukuyang naghihintay sa aming magkapatid. "Sa wakas at narito na ang dalawa. Halina at tayo'y kakain na," nakangiting sabi ni Aling Belen. Dumulog kaagad kami ni Yshie sa hapag saka maganang kumain. Napuno ng kwentuhan, tuksuhan, at tawanan ang naturang mesa. "May balita nga pala ako. Hindi naman lingid sa atin na every month pumupunta rito si Sir Cassian siyempre para makapag-relax at kapag pressure sa siyudad ng Makati. Sana handa na ang lahat. At ang sabi ay dito raw mag-celebrate ng birthday niya si Mrs. Alcantara." Napansin kong excited ang lahat maliban sa akin. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita ni Mr. Cassian Alcantara. Paano kung biglang magbago ang isip niya at paalisin kaming magkapatid? "Hija, nakausap ko na ang principal kong kaibigan at pwede mo na raw i-enrol ang kapatid mong si Yshie." "Talaga po?!" Halos sabay na bulalas namin ni Yshie sa narinig mula kay Aling Belen. Walang mapagsidlan ang saya sa aking puso. "Yeheey! Ate sa wakas makapag-aaral ulit ako," sabi ng aking kapatid na tulad ko ay naiyak na rin. Naging emosyonal tuloy kaming dalawa. Tinapik ni Aling Belen ang aking balikat. "Salamat ng marami sa inyo, Aling Belen," sabi ko. "Walang anuman, hija." "Hayaan mo Yshie at marami akong mga notebook at papel pati ballpen t'saka bags. Bibigyan kita, bigay sa amin iyon ng mga Alcantara. May dati akong uniform na sigurado akong kakasya sa'yo," nakangiting sabi naman ni Patty. "Salamat, Patty," naluluhang sabi ng aking kapatid. "Sa tingin ko magka-size tayo ng paa pwede mo ring gamitin iyong school shoes ko, Yshie. Hindi ba inay marami akong shoes na hindi ko pa nasusuot?" "Ikaw ang bahala, anak." Mas lalo tuloy kaming emosyonal ng kapatid ko. Sobrang saya sa aming mga puso na may mga taong katulad nina Aling Belen, Manong Danilo, Manang Teresita, Patty at Rowena. Pero saglit lang ang kasiyahan na nadarama ko dahil sa balitang paparito raw sina Mr. Cassian. Ibig sabihin kasama ang ama niya na tinulungan ko na hanggang ngayon ay hindi pa alam kung sino talaga ang nagdala sa hospital kay Mr. Alcantara? "Balita ko po inay kasalukuyang pinapahanap parin nina Mr. Alcantara ang babae raw po na tumulong sa kanya para dalhin siya sa hospital." Nagulat kami pareho ni Yshie. Nagkatinginan kaming dalawa. "Ate, ang tinutukoy ba nila ay ang iyong may edad na lalaki na tinulungan mo ay iisa?" bulong na tanong ni Yshie sa akin. "Oo, pero hindi na muna nila dapat malaman. Hahayaan na muna natin na makilala o maalala ako ni Mr. Alcantara," sagot ko sa aking kapatid. "I—Ibig sabihin, siya ang Alcantara na nagmamay-ari rin ng rest house na ito?!" mahinang bulalas ni Yshie. Hindi naman kami maririnig dahil busy ang mag-ina sa pag-uusap. "Oo, kaya kinakabahan ako." "Bakit naman? Hindi ba dapat masaya ka dahil kapag naalala ka niya ay baka bigyan ka niya ng pabuya sa pagligtas ng buhay niya. Utang niya sa'yo ang buhay niya ate." "Yshie, ipapaalala ko lang sa'yo. Ang Dios ang may-ari ng buhay kaya hindi tama na sabihin mong utang ni Mr. Alcantara ang buhay niya sa akin," pagtatama ko sa aking kapatid. Natigilan siya sa aking sinabi. "I'm sorry, ate." Dahan-dahang tumango ako sa aking kapatid. Pagkatapos naming kumain lahat ay nagpresinta kaming magkapatid na kami na ang magligpit ng hapag-kainan at maghugas na rin. Mabuti na lamang at hindi na tumanggi pa si Aling Belen. "Pagkatapos mo riyan, ineng Yshie pumunta ka sa kwarto nina Patty at Rowena para makapili ka ng maisusuot na school uniforms na fit sa'yo at ilang mga kagamitan mo sa pag-aaral," ani Aling Belen sa kapatid kong makulit. Lihim akong napangiti habang naghuhugas ng pinggan. Ano kayang naghihintay sa amin ni Yshie sa lugar na ito ng Apayao? "Sige na, pumunta ka na at ako na ang bahala rito," nakangiting sabi ko sa aking kapatid. "Talaga, ate?" "Yep, sige na." Pansin kong tulad ko ay excited ang kapatid ko sa kanyang bagong paaralan at makikilala. Umaasa akong sana magkaron siya ng mga bagong kaibigan. Ang susunod ko na namang gawin ay ang mag-follow up sa ilang mga dokumento niya at pati na rin ng akin. Umalis kami ng bahay na ni isa ay walang dala. Lahat ay iniwan namin. Dahil sa labis na takot at pangamba at baka balikan kami ng mga kasamahan ng mga taong nais kaming patayin. "Bye, ate." "Bye," sabi ko. Pagkatapos ko ay bumalik na rin ako sa kwarto na lilinisin na siyang trabaho ko. Plano ko pagkatapos ng trabaho ay tutulong ako kay Aling Belen sa labas ng hardin para magwalis. Umakyat ako sa hagdan saka pumasok sa loob ng kwarto ni Mr. Cassian saka inumpisahan na palitan ang ilang mga curtains. Nang mahagip ng aking mga mata ang ilang photo album. Kumunot ang aking noo nang makita ito. Pinulot ko saka nakangiting binuksan. Tumambad sa aking mga mata ang larawan ng dalawang batang babae. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang kwintas na suot ng magandang babae na kasalukuyang karga ang isang batang babae samantalang ang isang baby na batang babae ay nasa isang stroller nakahiga. "Bakit parang magkapareho ito sa kwintas na suot namin ni Yshie? Ang pinagkaiba lang ay putol ang hugis pusong pendant na nasa amin dahil nasa akin ang isa samantalang nasa kay Yshie naman iyong isa," ani ko. Saka ko naalala ang sinabi ni Aling Belen ang pagkakahawig namin ni Yshie kay Mrs. Alcantara.Malakas ang kutob kong na brain wash siya ng babaeng nagngangalang Tamara. "Sandali, ano'ng nangyayari ri—" Nagulat ako ng mag-tama ang mga mata namin ni Mrs. Alcantara. "Who are you?" pagdakay ani Mrs. Alcantara. Napasulyap ako kay Mr. Alcantara at inayos inayos ang suot niyang glasses. "Hija, salamat ng marami sa pagligtas sa akin. Ibig sabihin ay kayo ang kinuwento sa akin nina Danilo at Teresita, hindi ba?" "Mawalang-galang po, Mr. Alcantara. Opo, siya nga po, actually po kasama niya ang kapatid niyang si Yshie." "Kapatid?" pansin kong kumunot na muli ang noo ni Mrs. Alcantara. "Opo, may kapatid po akong babae." "Pwede ko ba siyang makita?" "Oo naman po, sandali lang po at tatawagin ko," excited kong sabi saka napasulyap kay Aling Belen. "Patty, Rowena, dali kayo rito at dalhin niyo si Yshie!" tawag ni Aling Belen sa mga anak. "Opo, nay!" halos sabay na sagot ng dalawa. "Ka edad nina Patty at Rowena ba ang kapatid mong si Yshie, hija?" tanong ulit ni Mrs. Alcantara.
"Kinakabahan ako sa pagdating ng mga Alcantara." "Bakit naman, Ate?" "Dahil sa babae na ang pangalan ay Tamara. Malakas kasi ang kutob kong isa siya sa dahilan sa insidenteng nangyari kay Mr. Alcantara. Kaya huwag kang hihiwalay sa akin mamaya, ha?" "Pangako, ate." "Mabuti naman, sige na at mag-umpisa na tayo." Kahit na sabihing mag-check lang kami ay tumulong na kami sa ilang gawain sa kusina kahit na nga sabihing panay sabi ng mga kawaksi na huwag, kaya lang masyado kaming mahilit na magkapatid. Pati sa pagluluto ay ako pa mismo ang nagtimpla ng ilang mga rekados na ihahanda. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay natapos ang lahat ng mga gawain sa kusina. Nagpasya na rin ang lahat na magpahinga. Dumiretso kami ni Yshie sa aking silid. "Pasensiya ka na ate. Hayaan mo at uugaliin kong matulog sa silid na mag-isa. Pero ngayon, mas gusto kong katabi ka." "Masasanay ka rin." Nahiga kami sa malambot na kama. "Ate, ang kwintas ko nawawala!" bulalas ni Yshie. "Huwag ka
HINDI ko maintindihan ang kakaibang kaba sa aking puso. Kasalukuyang nakahiga na ako sa kama at tulad kagabi ay katabi ko parin sa pagtulog ang kapatid kong si Yshie. Palibhasay hindi sanay na hindi kami magkatabi matulog. Hindi parin kayang balewalain ng aking isipan ang nakitang larawan kanina sa kwarto ni Sir Cassian. Posible bang may koneksyon ang kwintas na suot namin ng aking kapatid? Napasulyap ako sa aking kapatid na ngayo'y mahimbing na natutulog. Naisipan kong tanggalin sa leeg nito ang suot nitong kwintas at gano'n din ang ginawa ko sa akin. Itatago ko na muna ang mga kwintas namin at hindi pwedeng ma-expose at baka mapagkamalan pa kaming magnanakaw. Mahirap na at wala na talaga kaming mapupuntahan na magkapatid. Hindi talaga mawaglit sa aking isipan kung bakit kapareho ang suot naming kwintas ni Yshie sa larawan na nakikita ko sa kwarto ni Sir Cassian. Ano'ng koneksyon? Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip. Nagising ako ng maaga.
HINDI parin nawawala sa aking isipan ang sinasabi ni Aling Belen. Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Cassian kung saan busy sa paglilinis. Hindi naman mahirap linisin dahil konting alikabok lang meron at mas mabilis akong natapos.Hindi ko nga namalayan ang oras. Kung hindi pa ako kinatok ni Yshie ay malamang hindi ko malalaman na oras na pala ng pananghalian."Masyado kang seryoso ate.""Oo naman para walang ika-pintas sa atin si Sir Cassian.""Tumulong ako kay Aling Belen sa kusina. No'ng una ayaw niya pero dahil makulit ako kaya wala siyang nagawa," nakangiting sabi sa akin ng kapatid."Dapat lang, hindi pwedeng wala kang gagawin. Kung sa tingin mo'y may dapat kang tulungan, aba, dapat lang na gumawa ka rin. Kung tamad ka ay huwag kang kakain," sabi ko pa. Mula sa silid ni Sir Cassian ay lumabas na kami ni Yshie. Dumiretso na kami sa kusina kung nasaan ang lahat na kasalukuyang naghihintay sa aming magkapatid. "Sa wakas at narito na ang dalawa. Halina at tayo'y kakain na," nakang
Tinawagan ko kaagad ang adviser ng aking kapatid at pinaalam ang nangyaring hindi maganda sa bahay namin. Para may pruweba ay sinabihan ko itong pwedeng bisitahin ang aming maliit na kubo kung saan kami nakatira ng aking kapatid. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong magkapatid, Liora.""Pasensiya na po talaga at kailangan naming umalis na Tuguegarao, Mrs. Francisco.""Kung kaligtasan niyo naman ang dapat protektahan ay walang problema, pero possible na hihingin parin ng paaralan ang ilang dokumento tulad ng report card, birth certificate and form 137.""Pwede naman siguro po i-send niyo sa akin through online, like photocopy lang po siguro," pakiusap ko pa."Alright, i-send ko sa'yo. Sabihin mo nalang sa paaralan na pag-transferan ni Yshie na due to safety reasons ay online copies muna ang maibibigay niyo. Ipa-follow-up nalang ang original documents."Lumawak ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ni Mrs. Francisco. Samantalang tutulungan naman ako ni Aling Belen na makapasok s
Kapwa kami nagulat ni Yshie nang masilayan ang tila old house na yari pa sa panahon ng Espanyol.Mula sa kotse ay bumaba kami ni Yshie. Pansin kong may dalang ilang groceries si Manong Danilo. Ibig sabihin ang lahat ng dala niya ay para rito? Ilang tao ba ang narito sa lumang-rest house na ito? "Ate, ang laki at sobrang ganda," mahinang sabi ng aking kapatid na tulad ko'y namangha rin sa laki at lawak ng naturang rest house. May malaking gate na halatang kagagaling lang sa renovation. May ilang cameras sa bawat area kaya malalaman talaga kung sino ang magnanakaw. May apat na guards pa. "Maligayang pagdating, Manong Danilo," sabay na bati ng mga guards kay Manong Danilo. Nakangiting bumati naman pabalik si Manong Danilo sa mga ito saka kami ipinakilala. "Si Liora at ang kanyang kapatid, sila ang ilalagay namin dito ni Manang Teresita niyo na mag-aalaga nitong rest house.""Maligayang pagdating, Ms. Liora at Ms. Yshie," halos sabay ding sabi ng apat na guards sa aming magkapatid. P
"SANDALI, sino kayo?" Kakarating ko lang galing sa paglalako ng Biko at gano'n na lamang ang gulat ko ng umiyak ang kapatid kong si Yshie."Ate..."Nadatnan ko ang ilang lalaking armado na may dalang-baril. Halos hindi ako makahinga na tila ba biglang namanhid ang aking buong-katawan. Sino ang mga
"WAKE UP!" "Hmmm..." ungol ko na tila tamad pang idilat ang mga mata. Pagdakay nagulat ako sa ilang mura na pinakawalan ng tila boses ng isang lalaki. Awtomatikong idinilat ko ang aking mga mata. Saka ko napagtantong nasa loob nga pala ako ng kotse sa may likuran natutulog. Nagproseso kaagad sa
KUMUNOT ang aking noo nang may marinig na pagsabog. Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Yshie."Ate, ano iyon?" "Sandali at titingnan ng ate," sabi ko. Kinakabahan man ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana. Sumilip, at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang magarang kots







