LOGINTinawagan ko kaagad ang adviser ng aking kapatid at pinaalam ang nangyaring hindi maganda sa bahay namin. Para may pruweba ay sinabihan ko itong pwedeng bisitahin ang aming maliit na kubo kung saan kami nakatira ng aking kapatid.
"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong magkapatid, Liora." "Pasensiya na po talaga at kailangan naming umalis na Tuguegarao, Mrs. Francisco." "Kung kaligtasan niyo naman ang dapat protektahan ay walang problema, pero possible na hihingin parin ng paaralan ang ilang dokumento tulad ng report card, birth certificate and form 137." "Pwede naman siguro po i-send niyo sa akin through online, like photocopy lang po siguro," pakiusap ko pa. "Alright, i-send ko sa'yo. Sabihin mo nalang sa paaralan na pag-transferan ni Yshie na due to safety reasons ay online copies muna ang maibibigay niyo. Ipa-follow-up nalang ang original documents." Lumawak ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ni Mrs. Francisco. Samantalang tutulungan naman ako ni Aling Belen na makapasok sa San Isidro Elementary School ang kapatid kong si Yshie. Ang akin lang ay ang hindi maputol ang pag-aaral ng aking kapatid. Solve na ang aking problema. "Mag-kape ka na muna, hija." "Naku, mahirap lang po kami pero hindi po ako umiinom ng kape, Aling Belen." "Ano ba iniinom mo?" "Gatas lang po," nakangiting sagot ko. "Sigurado akong hindi ka umiinom ng alak, no? Kaya pala ang gaganda niyong magkapatid. May ibang lahi kayong taglay, e." Yes, dahil ang sabi ng lola ay may dugong Spanish ang aking ama at may dugong Italyano naman ang aking ama. "Ang totoo po, meron nga po. May lahing Spanish ang aking ina at Italyano naman ang aking ama," sagot ko. Napatangu-tango si Aling Belen. "Tumawag ako kay Sir Cassian. Sinabi kong narito kayo ng kapatid mo at inaprubahan ang hiling ko na ikaw ang taga-linis sa kwarto niya rito." "Mabait po ba siya, Aking Belen?" "Sobrang bait, maawain at maaalahanin si Mr. Cassian. Kaya lang may ugali rin siyang strikto lalo na at hindi ka sumusunod sa rules." Napatangu-tango ako. "Sino naman po iyong babae na palaging nakabuntot sa kanya?" Dahil sa matinding kuryusidad kailangan kong alamin ang pangalan ng babaeng nagpaalis sa akin sa hospital. Na sa tingin ko'y siyang saksi na ako ang tumulong kay Mr. Cassian. Tinutukoy ko ang may edad na lalaking tinulungan ko. "Si Tamara ang tinutukoy mo, hija." So, Tamara pala ang pangalan ng kontrabida? Muli akong napatangu-tango sa sinabi ni Aling Belen. "Mag-iingat ka ron dahil wala kaming tiwala sa babaeng iyon." Nagulat ako sa aking narinig. Pero hindi parin sapat upang sabihin ko ang aking nalaman tungkol sa Tamara na iyon. Naguguluhan ako sa totoo lang pero kailangan kong malaman kung bakit niya ako mabilis na pinaalis sa naturang hospital. Hindi ba dapat masaya siya at tinulungan ko ang may edad na si Mr. Cassian? "Aling Belen, si Mr. Cassian po ba ay may mga magulang pa?" kunway tanong ko. "Aba, oo naman. Si Mr. Camilo at Mrs. Alejandra Alcantara. Naku, kapag sila nakilala mo sigurado akong masasabi mong sobrang bait. Pero, alam mo hija, no'ng unang apak niyo pa lang rito, ha? Kayo ng kapatid mo? Akala talaga namin mga pamangkin kayo ng mga Alcantara. Aba't may resemblance kayo ni Mrs. Alcantara pati ang kapatid mong babae!" Kumunot ang aking noo. Ano raw? Resemblance? "Sandali, may larawan po ba kayo ni Mrs. Alcantara?" tanong ko. "Hindi mo ba napansin ang living room? May malaking painting na talagang kamukhang-kamukha niyo si Mrs. Alcantara?" nakangiting sabi sa akin ni Aling Belen. "Talaga po? P—Pwede ko po bang tingnan?" "Aba, oo naman." Kailangan kong alamin kung bakit may resemblance kami ni Yshie sa naturang Mrs. Alcantara. Siguro nagkataon lang. Hindi ba't nangyayari naman talaga iyon sa mundong ito? Sinamahan ako ni Aling Belen sa living room. Ewan ko ba pero bakit sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso? "Tingnan mo!" bulalas ni Aling Belen. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. "Oo nga po," sabi ko na halos bulong na lamang dahil sa hindi makapaniwala sa nakita. Mas kamukha ng larawan ang kapatid kong si Yshie? Hindi ba kami related sa mga Alcantara? Bakit feeling ko parang may something? Ipinilig ko ang sariling ulo sa tila imposibleng mangyari. Resulta lang siguro ito sa mga nangyayari sa amin ni Yshie. Lalo na at baka na-trauma lang sa nangyaring pagtatangka sa buhay naming magkapatid kahapon. Tinitigan ko ang larawan na para bang tila buhay ang mga mata nitong nakatitig sa aking mukha. Mga matang tila ba may misteryosong nakapaloob. "Mas kamukha niya po ang kapatid ko," sabi ko kay Aling Belen. "Kaya nga, hija. Siguro nagkataon lang. Sa mundong kinaroroonan natin ay hindi malabong may ganito talagang pangyayari." "Sabagay nga po," sabi ko na lamang. Bumalik kami ni Aling Belen sa kusina. At nagpasyang magtimpla ng gatas habang si Aling Belen naman ay busy na sa pagluluto. Eksaktong alas sais na ng umaga ay tumulong na ako kay Aling Belen sa pagluluto since tapos na akong uminom ng gatas. "Hindi mo namna trabaho ito, hija." "Pero mas gusto ko po kayong tulungan," sabi ko. "Hayaan niyo na lang po ako." "Salamat, hija." "Huwag niyo lang kalimutang ipasok ang kapatid kong si Yshie sa paaralan dito sa Luna." "Hayaan mo at aalis tayo mamaya at sasamahan kita na makausap ang kaibigan kong principal ng San Isidro Elementary School." Natuwa ako lalo nang marinig na kaibigan ni Aling Belen ang principal ng naturang paaralan. Malakas talaga ang chance na makapag-aral ulit ang kapatid kong si Yshie. "Talaga po ba?" "Oo nga, ikaw talagang bata ka." "Maraming salamat po talaga sa tiwala at kagandahang-loob niyo, Aling Belen. Dios na po sana ang bahalang gumanti sa'yo," sabi ko mula sa aking puso. "Ewan ko sa'yo, hija. Pati ugali ni Mrs. Alcantara ay nakuha mo. Alam mo bang hindi lang kami ang nakapansin kundi pati iyong mga guards natin dito sa rest house?" "Na alin po?" "Na kapatid kayo sa labas ni Mr. Cassian." "Kayo talaga mahilig mambola, " sabi ko na lamang. "Totoo ang sinasabi ko, hija. Si Mr. Cassian naman ay hindi mapagkamalang anak nina Mr. and Mrs. Alcantara. Mas mapapansin pa nga kayo ng kapatid mong si Yshie."Malakas ang kutob kong na brain wash siya ng babaeng nagngangalang Tamara. "Sandali, ano'ng nangyayari ri—" Nagulat ako ng mag-tama ang mga mata namin ni Mrs. Alcantara. "Who are you?" pagdakay ani Mrs. Alcantara. Napasulyap ako kay Mr. Alcantara at inayos inayos ang suot niyang glasses. "Hija, salamat ng marami sa pagligtas sa akin. Ibig sabihin ay kayo ang kinuwento sa akin nina Danilo at Teresita, hindi ba?" "Mawalang-galang po, Mr. Alcantara. Opo, siya nga po, actually po kasama niya ang kapatid niyang si Yshie." "Kapatid?" pansin kong kumunot na muli ang noo ni Mrs. Alcantara. "Opo, may kapatid po akong babae." "Pwede ko ba siyang makita?" "Oo naman po, sandali lang po at tatawagin ko," excited kong sabi saka napasulyap kay Aling Belen. "Patty, Rowena, dali kayo rito at dalhin niyo si Yshie!" tawag ni Aling Belen sa mga anak. "Opo, nay!" halos sabay na sagot ng dalawa. "Ka edad nina Patty at Rowena ba ang kapatid mong si Yshie, hija?" tanong ulit ni Mrs. Alcantara.
"Kinakabahan ako sa pagdating ng mga Alcantara." "Bakit naman, Ate?" "Dahil sa babae na ang pangalan ay Tamara. Malakas kasi ang kutob kong isa siya sa dahilan sa insidenteng nangyari kay Mr. Alcantara. Kaya huwag kang hihiwalay sa akin mamaya, ha?" "Pangako, ate." "Mabuti naman, sige na at mag-umpisa na tayo." Kahit na sabihing mag-check lang kami ay tumulong na kami sa ilang gawain sa kusina kahit na nga sabihing panay sabi ng mga kawaksi na huwag, kaya lang masyado kaming mahilit na magkapatid. Pati sa pagluluto ay ako pa mismo ang nagtimpla ng ilang mga rekados na ihahanda. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay natapos ang lahat ng mga gawain sa kusina. Nagpasya na rin ang lahat na magpahinga. Dumiretso kami ni Yshie sa aking silid. "Pasensiya ka na ate. Hayaan mo at uugaliin kong matulog sa silid na mag-isa. Pero ngayon, mas gusto kong katabi ka." "Masasanay ka rin." Nahiga kami sa malambot na kama. "Ate, ang kwintas ko nawawala!" bulalas ni Yshie. "Huwag ka
HINDI ko maintindihan ang kakaibang kaba sa aking puso. Kasalukuyang nakahiga na ako sa kama at tulad kagabi ay katabi ko parin sa pagtulog ang kapatid kong si Yshie. Palibhasay hindi sanay na hindi kami magkatabi matulog. Hindi parin kayang balewalain ng aking isipan ang nakitang larawan kanina sa kwarto ni Sir Cassian. Posible bang may koneksyon ang kwintas na suot namin ng aking kapatid? Napasulyap ako sa aking kapatid na ngayo'y mahimbing na natutulog. Naisipan kong tanggalin sa leeg nito ang suot nitong kwintas at gano'n din ang ginawa ko sa akin. Itatago ko na muna ang mga kwintas namin at hindi pwedeng ma-expose at baka mapagkamalan pa kaming magnanakaw. Mahirap na at wala na talaga kaming mapupuntahan na magkapatid. Hindi talaga mawaglit sa aking isipan kung bakit kapareho ang suot naming kwintas ni Yshie sa larawan na nakikita ko sa kwarto ni Sir Cassian. Ano'ng koneksyon? Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip. Nagising ako ng maaga.
HINDI parin nawawala sa aking isipan ang sinasabi ni Aling Belen. Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Cassian kung saan busy sa paglilinis. Hindi naman mahirap linisin dahil konting alikabok lang meron at mas mabilis akong natapos.Hindi ko nga namalayan ang oras. Kung hindi pa ako kinatok ni Yshie ay malamang hindi ko malalaman na oras na pala ng pananghalian."Masyado kang seryoso ate.""Oo naman para walang ika-pintas sa atin si Sir Cassian.""Tumulong ako kay Aling Belen sa kusina. No'ng una ayaw niya pero dahil makulit ako kaya wala siyang nagawa," nakangiting sabi sa akin ng kapatid."Dapat lang, hindi pwedeng wala kang gagawin. Kung sa tingin mo'y may dapat kang tulungan, aba, dapat lang na gumawa ka rin. Kung tamad ka ay huwag kang kakain," sabi ko pa. Mula sa silid ni Sir Cassian ay lumabas na kami ni Yshie. Dumiretso na kami sa kusina kung nasaan ang lahat na kasalukuyang naghihintay sa aming magkapatid. "Sa wakas at narito na ang dalawa. Halina at tayo'y kakain na," nakang
Tinawagan ko kaagad ang adviser ng aking kapatid at pinaalam ang nangyaring hindi maganda sa bahay namin. Para may pruweba ay sinabihan ko itong pwedeng bisitahin ang aming maliit na kubo kung saan kami nakatira ng aking kapatid. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong magkapatid, Liora.""Pasensiya na po talaga at kailangan naming umalis na Tuguegarao, Mrs. Francisco.""Kung kaligtasan niyo naman ang dapat protektahan ay walang problema, pero possible na hihingin parin ng paaralan ang ilang dokumento tulad ng report card, birth certificate and form 137.""Pwede naman siguro po i-send niyo sa akin through online, like photocopy lang po siguro," pakiusap ko pa."Alright, i-send ko sa'yo. Sabihin mo nalang sa paaralan na pag-transferan ni Yshie na due to safety reasons ay online copies muna ang maibibigay niyo. Ipa-follow-up nalang ang original documents."Lumawak ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ni Mrs. Francisco. Samantalang tutulungan naman ako ni Aling Belen na makapasok s
Kapwa kami nagulat ni Yshie nang masilayan ang tila old house na yari pa sa panahon ng Espanyol.Mula sa kotse ay bumaba kami ni Yshie. Pansin kong may dalang ilang groceries si Manong Danilo. Ibig sabihin ang lahat ng dala niya ay para rito? Ilang tao ba ang narito sa lumang-rest house na ito? "Ate, ang laki at sobrang ganda," mahinang sabi ng aking kapatid na tulad ko'y namangha rin sa laki at lawak ng naturang rest house. May malaking gate na halatang kagagaling lang sa renovation. May ilang cameras sa bawat area kaya malalaman talaga kung sino ang magnanakaw. May apat na guards pa. "Maligayang pagdating, Manong Danilo," sabay na bati ng mga guards kay Manong Danilo. Nakangiting bumati naman pabalik si Manong Danilo sa mga ito saka kami ipinakilala. "Si Liora at ang kanyang kapatid, sila ang ilalagay namin dito ni Manang Teresita niyo na mag-aalaga nitong rest house.""Maligayang pagdating, Ms. Liora at Ms. Yshie," halos sabay ding sabi ng apat na guards sa aming magkapatid. P
"SANDALI, sino kayo?" Kakarating ko lang galing sa paglalako ng Biko at gano'n na lamang ang gulat ko ng umiyak ang kapatid kong si Yshie."Ate..."Nadatnan ko ang ilang lalaking armado na may dalang-baril. Halos hindi ako makahinga na tila ba biglang namanhid ang aking buong-katawan. Sino ang mga
"WAKE UP!" "Hmmm..." ungol ko na tila tamad pang idilat ang mga mata. Pagdakay nagulat ako sa ilang mura na pinakawalan ng tila boses ng isang lalaki. Awtomatikong idinilat ko ang aking mga mata. Saka ko napagtantong nasa loob nga pala ako ng kotse sa may likuran natutulog. Nagproseso kaagad sa
KUMUNOT ang aking noo nang may marinig na pagsabog. Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Yshie."Ate, ano iyon?" "Sandali at titingnan ng ate," sabi ko. Kinakabahan man ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana. Sumilip, at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang magarang kots







