Share

Kabanata 1

Author: Author
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-26 11:36:51

"WAKE UP!"

"Hmmm..." ungol ko na tila tamad pang idilat ang mga mata.

Pagdakay nagulat ako sa ilang mura na pinakawalan ng tila boses ng isang lalaki. Awtomatikong idinilat ko ang aking mga mata. Saka ko napagtantong nasa loob nga pala ako ng kotse sa may likuran natutulog.

Nagproseso kaagad sa aking utak ang mga nangyari kagabi. "Who are you?"

Tumigil ang aking mundo ng mag-tama ang paningin namin ng isang gwapong lalaki. Siya na nga ba si Cassian?

"Hey, I'm asking," pukaw niya sa akin. Paano ba naman kasi ay nabatu-balani ako sa taglay nitong karisma.

"P—Pasensiya na po kayo, sir. Wala na po kasi akong masakyan na taxi pauwi sa amin kaya dito na muna ako natulog na sa tingin ko naman ay safe para magpalipas ako ng gabi," sagot ko na medyo nauutal pa. Tinutukoy ko ang convertible design na Ferrari na gamit niya papunta rito sa hospital.

Ewan ko ba pero sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam kung dahil ba sa nahuli niya akong natutulog sa kotse o dahil sa kakaibang dating niya sa aking puso?

"Really, bagong modus sa isang magnanakaw na tulad mo?" seryosong sabi niya dahilan upang magpanting ang dalawa kong tenga.

"Aba, sumusobra na po yata kayo, sir? Mahirap lang po ako pero ni minsan hindi tumatak sa isip ko ang magnakaw!" galit kong sumbat.

Inis na bumangon ako at mabilis na bumaba sa magarang kotse na pagmamay-ari ng lalaki. Muntik pa akong ma out of balance dahil bigla akong nahilo. Mabuti na lamang at napakapit ako. Inis na nagmartsa palayo.

Kaya lang natigilan ako dahil hindi ito hospital. Where am I? Nasa isang malawak na garage ako?

Awtomatikong nilingon ko ang lalaki. Napalunok ako dahil nanantiya ang titig niya. Saka ko lang napansin ang suot kong kupas na jeans at kupas na white shirt na maluwag pa sa akin. Gusto ko tuloy hilingin ang mga Sanggre na napapanood ko sa isang TV series na alisin ako sa lugar na ito ngayon din upang maalis sa kahihiyan ng isang mala-Adonis na lalaking nakatingin sa akin ngayon.

"And where do you think you're going?"

Napayuko ako. "Home, kaya lang mukhang nadala mo ako sa teritoryo mo," sagot ko. Hindi makatingin sa kanya ng diretso dahil sa kahihiyang natamo.

Ang hirap kapag mahirap dahil sobrang baba ng tingin sa'yo ng mga mayayaman.

Kumusta na kaya ang ama niya?

"Sir, gising na po si Mr. Alcantara," singit ng sa tingin ko'y isang kawaksi.

"Manang, ipahatid mo siya kay Manong," utos niya sa kawaksi.

Nasundan ko na lamang siya ng tingin. "Hija, ikaw ba iyong nakatulog sa kotse ni Mr. Alcantara?"

Mabuti na lang at mabait si Manang. Magaan agad ang loob ko sa kanya para makipag-chicka.

"Opo," tipid kong sagot.

Hindi ko naman magawang sabihin dito na ako ang nagdala kay Mr. Alcantara sa hospital kagabi. Hindi na siguro importante iyon.

"Ipapahatid ka raw sa driver at sabihin mo lang kung saan ang address mo, ha?"

"Salamat po," sagot ko.

Gusto ko sanang tanungin kung ano na ang kalagayan ni Mr. Alcantara. Sa narinig ko kanina ay mukhang narito ang may edad na lalaking tinulungan ko.

"Ano'ng address po ito, Manang?" naglakas-loob kong tanong. Lihim naman akong nagpasalamat at sinabi naman ni Manang ng walang pagdadalawang-isip.

Hindi naman nagtagal ay lumapit sa amin ang isang may edad na ring lalaki na sa tingin ko ay ang driver na sinabi ni Mr. Alcantara.

Pamilyar sa akin ang apelyidong Alcantara. Hmmm... saan ko nga ba narinig?

"Ikaw ba iyong sinabi ni Mr. Alcantara, hija?" tanong sa akin ni Manong.

Nagpakilala sa akin ang dalawa at nalaman kong mag-asawa pala sila. Si Manong Danilo na driver at Manang Teresita na mayordoma ng mansion ng mga Alcantara.

Bago ako inihatid ni Manong Danilo ay pinakain muna nila ako ni Manang Teresita. Sobrang bait nga naman sa akin talaga ng Dios dahil sa kabila kagabi ay may nakilala parin akong mag-asawa na mababait tulad nina Mang Danilo at Manang Teresita.

"Manang, baka naman pwede akong pumasok dito kahit katulong lang, kailangan ko po kasi ng trabaho."

"Kung talagang gusto mo ay tamang-tama at nangangailangan kami ng personal maid para kay Mr. Alcantara," sabi ni Manang Teresita sa akin. Tila naman nagkaroon ako ng pag-asa.

"Ano po bang requirements?" masiglang tanong ko.

"Basic requirements lang naman, dapat nasa tamang edad ka. Sa tingin ko naman ay nasa 20 plus ka na, hindi ba?"

"Opo."

"Dapat fit ka, okay ang kalusugan mo. Walang criminal record siyempre. Valid ID and biodata, iyon lang ipasa mo sa'kin at pa-aprubahan ko kaagad kay Mr. Alcantara."

"Huwag po kayong mag-alala at pwede po akong all around," dagdag ko pa.

Kailangan ko talaga ng trabaho since ako ang nagpapaaral sa kapatid kong si Yshie. Sana matanggap ako.

"You have to found her!" Kapwa kami napalingon nang marinig ang malakas na boses ng isang lalaki.

Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakamasid sa dalawang lalaki. Nakita ko ang may edad na lalaki na tinulungan ko kagabi. Kasalukuyang nakaupo siya sa isang wheelchair. Mabuti naman at okay lang siya at buhay.

"Naku, sige na at ihatid mo na siya sa kanila, Danilo," tarantang sabi ni Manang Teresita.

"Tayo na hija, mukhang galit si Mr. Alcantara."

Wala akong choice kundi ang sumunod kay Manong Danilo sa malawak na garage kung saan naroon ang kotseng gagamitin para ako'y ihatid.

"Huwag mong kalimutan na dalhin ang requirements mo, hija," paalala sa akin ni Manong Danilo.

"Opo, loobin."

Pumasok na ako sa loob ng kotse sa may back seat hanggang sa lumabas ang kotse sa malawak na garage ng mansion saka binaybay ang daan pauwi sa amin. Mga ilang oras din ang naging biyahe namin ni Manong Danilo.

"Salamat po ng marami, Manong Danilo. Napakabait niyo po sa akin ni Manang Teresita."

"Wala iyon, hija. Alam mo na naman ang address ng mansion kaya siguro naman kaya mong bumiyahe mag-isa?"

"Opo," sabi ko.

Bumaba ako mula sa kotse saka nakangiting kumaway kay Manong Danilo. "Ingat po," sabi ko.

"Ate!" sigaw ni Yshie sa akin.

Nakangiting naglakad ako patungo sa maliit naming kubo. "Kumusta, kumain ka na ba?"

"Tapos na, ang tagal mo kayang umuwi. Doon ka ba natulog? T'saka, sino iyong naghatid sa'yo?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 8

    Malakas ang kutob kong na brain wash siya ng babaeng nagngangalang Tamara. "Sandali, ano'ng nangyayari ri—" Nagulat ako ng mag-tama ang mga mata namin ni Mrs. Alcantara. "Who are you?" pagdakay ani Mrs. Alcantara. Napasulyap ako kay Mr. Alcantara at inayos inayos ang suot niyang glasses. "Hija, salamat ng marami sa pagligtas sa akin. Ibig sabihin ay kayo ang kinuwento sa akin nina Danilo at Teresita, hindi ba?" "Mawalang-galang po, Mr. Alcantara. Opo, siya nga po, actually po kasama niya ang kapatid niyang si Yshie." "Kapatid?" pansin kong kumunot na muli ang noo ni Mrs. Alcantara. "Opo, may kapatid po akong babae." "Pwede ko ba siyang makita?" "Oo naman po, sandali lang po at tatawagin ko," excited kong sabi saka napasulyap kay Aling Belen. "Patty, Rowena, dali kayo rito at dalhin niyo si Yshie!" tawag ni Aling Belen sa mga anak. "Opo, nay!" halos sabay na sagot ng dalawa. "Ka edad nina Patty at Rowena ba ang kapatid mong si Yshie, hija?" tanong ulit ni Mrs. Alcantara.

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 7

    "Kinakabahan ako sa pagdating ng mga Alcantara." "Bakit naman, Ate?" "Dahil sa babae na ang pangalan ay Tamara. Malakas kasi ang kutob kong isa siya sa dahilan sa insidenteng nangyari kay Mr. Alcantara. Kaya huwag kang hihiwalay sa akin mamaya, ha?" "Pangako, ate." "Mabuti naman, sige na at mag-umpisa na tayo." Kahit na sabihing mag-check lang kami ay tumulong na kami sa ilang gawain sa kusina kahit na nga sabihing panay sabi ng mga kawaksi na huwag, kaya lang masyado kaming mahilit na magkapatid. Pati sa pagluluto ay ako pa mismo ang nagtimpla ng ilang mga rekados na ihahanda. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay natapos ang lahat ng mga gawain sa kusina. Nagpasya na rin ang lahat na magpahinga. Dumiretso kami ni Yshie sa aking silid. "Pasensiya ka na ate. Hayaan mo at uugaliin kong matulog sa silid na mag-isa. Pero ngayon, mas gusto kong katabi ka." "Masasanay ka rin." Nahiga kami sa malambot na kama. "Ate, ang kwintas ko nawawala!" bulalas ni Yshie. "Huwag ka

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 6

    HINDI ko maintindihan ang kakaibang kaba sa aking puso. Kasalukuyang nakahiga na ako sa kama at tulad kagabi ay katabi ko parin sa pagtulog ang kapatid kong si Yshie. Palibhasay hindi sanay na hindi kami magkatabi matulog. Hindi parin kayang balewalain ng aking isipan ang nakitang larawan kanina sa kwarto ni Sir Cassian. Posible bang may koneksyon ang kwintas na suot namin ng aking kapatid? Napasulyap ako sa aking kapatid na ngayo'y mahimbing na natutulog. Naisipan kong tanggalin sa leeg nito ang suot nitong kwintas at gano'n din ang ginawa ko sa akin. Itatago ko na muna ang mga kwintas namin at hindi pwedeng ma-expose at baka mapagkamalan pa kaming magnanakaw. Mahirap na at wala na talaga kaming mapupuntahan na magkapatid. Hindi talaga mawaglit sa aking isipan kung bakit kapareho ang suot naming kwintas ni Yshie sa larawan na nakikita ko sa kwarto ni Sir Cassian. Ano'ng koneksyon? Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip. Nagising ako ng maaga.

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 5

    HINDI parin nawawala sa aking isipan ang sinasabi ni Aling Belen. Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Cassian kung saan busy sa paglilinis. Hindi naman mahirap linisin dahil konting alikabok lang meron at mas mabilis akong natapos.Hindi ko nga namalayan ang oras. Kung hindi pa ako kinatok ni Yshie ay malamang hindi ko malalaman na oras na pala ng pananghalian."Masyado kang seryoso ate.""Oo naman para walang ika-pintas sa atin si Sir Cassian.""Tumulong ako kay Aling Belen sa kusina. No'ng una ayaw niya pero dahil makulit ako kaya wala siyang nagawa," nakangiting sabi sa akin ng kapatid."Dapat lang, hindi pwedeng wala kang gagawin. Kung sa tingin mo'y may dapat kang tulungan, aba, dapat lang na gumawa ka rin. Kung tamad ka ay huwag kang kakain," sabi ko pa. Mula sa silid ni Sir Cassian ay lumabas na kami ni Yshie. Dumiretso na kami sa kusina kung nasaan ang lahat na kasalukuyang naghihintay sa aming magkapatid. "Sa wakas at narito na ang dalawa. Halina at tayo'y kakain na," nakang

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 4

    Tinawagan ko kaagad ang adviser ng aking kapatid at pinaalam ang nangyaring hindi maganda sa bahay namin. Para may pruweba ay sinabihan ko itong pwedeng bisitahin ang aming maliit na kubo kung saan kami nakatira ng aking kapatid. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong magkapatid, Liora.""Pasensiya na po talaga at kailangan naming umalis na Tuguegarao, Mrs. Francisco.""Kung kaligtasan niyo naman ang dapat protektahan ay walang problema, pero possible na hihingin parin ng paaralan ang ilang dokumento tulad ng report card, birth certificate and form 137.""Pwede naman siguro po i-send niyo sa akin through online, like photocopy lang po siguro," pakiusap ko pa."Alright, i-send ko sa'yo. Sabihin mo nalang sa paaralan na pag-transferan ni Yshie na due to safety reasons ay online copies muna ang maibibigay niyo. Ipa-follow-up nalang ang original documents."Lumawak ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ni Mrs. Francisco. Samantalang tutulungan naman ako ni Aling Belen na makapasok s

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 3

    Kapwa kami nagulat ni Yshie nang masilayan ang tila old house na yari pa sa panahon ng Espanyol.Mula sa kotse ay bumaba kami ni Yshie. Pansin kong may dalang ilang groceries si Manong Danilo. Ibig sabihin ang lahat ng dala niya ay para rito? Ilang tao ba ang narito sa lumang-rest house na ito? "Ate, ang laki at sobrang ganda," mahinang sabi ng aking kapatid na tulad ko'y namangha rin sa laki at lawak ng naturang rest house. May malaking gate na halatang kagagaling lang sa renovation. May ilang cameras sa bawat area kaya malalaman talaga kung sino ang magnanakaw. May apat na guards pa. "Maligayang pagdating, Manong Danilo," sabay na bati ng mga guards kay Manong Danilo. Nakangiting bumati naman pabalik si Manong Danilo sa mga ito saka kami ipinakilala. "Si Liora at ang kanyang kapatid, sila ang ilalagay namin dito ni Manang Teresita niyo na mag-aalaga nitong rest house.""Maligayang pagdating, Ms. Liora at Ms. Yshie," halos sabay ding sabi ng apat na guards sa aming magkapatid. P

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 2

    "SANDALI, sino kayo?" Kakarating ko lang galing sa paglalako ng Biko at gano'n na lamang ang gulat ko ng umiyak ang kapatid kong si Yshie."Ate..."Nadatnan ko ang ilang lalaking armado na may dalang-baril. Halos hindi ako makahinga na tila ba biglang namanhid ang aking buong-katawan. Sino ang mga

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Simula

    KUMUNOT ang aking noo nang may marinig na pagsabog. Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Yshie."Ate, ano iyon?" "Sandali at titingnan ng ate," sabi ko. Kinakabahan man ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana. Sumilip, at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang magarang kots

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status