Share

Kabanata 3

Author: Author
last update publish date: 2026-05-26 11:37:31

Kapwa kami nagulat ni Yshie nang masilayan ang tila old house na yari pa sa panahon ng Espanyol.

Mula sa kotse ay bumaba kami ni Yshie. Pansin kong may dalang ilang groceries si Manong Danilo. Ibig sabihin ang lahat ng dala niya ay para rito? Ilang tao ba ang narito sa lumang-rest house na ito?

"Ate, ang laki at sobrang ganda," mahinang sabi ng aking kapatid na tulad ko'y namangha rin sa laki at lawak ng naturang rest house.

May malaking gate na halatang kagagaling lang sa renovation. May ilang cameras sa bawat area kaya malalaman talaga kung sino ang magnanakaw. May apat na guards pa.

"Maligayang pagdating, Manong Danilo," sabay na bati ng mga guards kay Manong Danilo.

Nakangiting bumati naman pabalik si Manong Danilo sa mga ito saka kami ipinakilala.

"Si Liora at ang kanyang kapatid, sila ang ilalagay namin dito ni Manang Teresita niyo na mag-aalaga nitong rest house."

"Maligayang pagdating, Ms. Liora at Ms. Yshie," halos sabay ding sabi ng apat na guards sa aming magkapatid. Pansin ko kanina na gulat na gulat ang mga ito nang makita kami ni Yshie.

Pumasok kami sa loob ng rest house at tulad kanina ay ipinakilala kami ni Manong Danilo sa mga nakatira sa loob ng naturang rest house. Nakilala namin ang mayordoma na si Aling Belen. At dalawang kawaksi na si Rowena at Patty na sa tingin ko'y ka edad ko lang din. Lihim naman akong nagpasalamat at mukhang makakasundo ko ang dalawa. Magkapatid ang dalawa at anak sila ni Aling Belen. Napag-alaman ko ring ulila na pala sa ama ang dalawa. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang tila gulat sa anyo ng tatlong babae. Bakit kaya?

Hindi ko akalaing welcome na welcome kaagad kami ni Yshie sa naturang rest house. Since bagong biyahe lang daw kami ay inihatid kami ni Aling Belen sa magiging kwarto naming magkapatid. Buong-akala ko ay iisang kwarto lang kami ni Yshie. Mali ako dahil katapat ng kwarto ko ay ang kwarto ng aking kapatid.

Nakakahiya man pero wala kaming ibang dalang damit ni Yshie. Mabuti na lamang at marami daw damit na pambabae na kasya sa aming magkapatid.

"Ate, kay buti ng Panginoon dahil hindi niya tayo pinapabayaan."

"Kaya magpasalamat tayo sa kanyang palagi," sagot ko sa aking kapatid.

"Ate, pwede bang tabi tayo sa pagtulog? Natatakot kasi akong mag-isa. T'saka, hindi ako sanay na malayo sa'yo."

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Walang problema."

"Salamat, ate."

Niyakap ko ang aking kapatid ng buong-higpit. "Magsusumikap si Ate para sa'yo."

"Ang swerte ko at may kapatid akong responsable."

"Tara na, hayan ka na naman sa mga pambobola mo sa akin."

Ang totoo inaantok na rin ako at ramdam ko ang matinding pagod sa aking katawang-lupa. Lalo na no'ng nakipagbakbakan ako sa mga taong armado kanina.

Nang buksan namin ang aking silid ay tumambad ang malawak na lugar. Kapwa kami napansinghap ng aking kapatid.

"Omg, Ate!" bulalas ni Yshie.

"Nakaranas din tayong matulog sa ganitong kagarbong kwarto, no?" sabi ko na tila ba hindi makapaniwala.

Nasanay na kasi kaming mahiga sa matigas na higaan. Simpleng banig lang ay okay na sa aming magkapatid, palibhasay sanay na sanay na sa hirap ng buhay. Lalo na at hindi kami ipinanganak na mayaman.

Ang sabi ni Aling Belen ay nasa mala-higanteng closet ang ilang mga damit na tiyak na kakasya sa amin ni Yshie.

"Ate, ang laki ng lalagyan ng damit. Sigurado ba talagang rest house ito? Parang mansion sa laki, e."

"Para sa mahihirap na kagaya natin ay mansion na kung ituring ang bahay na ito. Pero sa mga mayayaman ay rest house."

"Sabagay," sabi na lamang ni Yshie sa akin.

Ang sabi ni Aling Belen ay pwede kaming pumili sa mga damit na narito at kahit ano ay pwede naming suotin. Ang swerte talaga naming magkapatid.

Natagpuan ko na lamang ang sarili na lumuluha. Nailigtas ko lang naman ang isang may edad na mayamang lalaki at heto kami parang mga taong NPA. Nagtatago sa mga taong nais pumatay sa aming magkapatid. Mabuti na lamang at magaling ako sa pagdala ng armas at tinuruan ng aking ama ng karate. Dahil kung hindi ay nakabulagta na kami ngayon ni Yshie sa maliit naming kubo.

"Ate, sobrang lalim na ng gabi," ani Yshie sa akin. "Bakit ka lumuluha, Ate?"

"Kaya matulog na tayo since tapos na tayong mamili ng damit at ilang underwears. Huwag mo na lamang akong pansinin, masaya lang si Ate sa nangyari sa atin ngayon."

"Grabe ate ang laki ng kama. Samantalang sa atin ay sa papag lang tayo natutulog."

"Makita ko lang na masaya ka at komportable ay panatag na ako. Bukas magtatanong ako kay Aling Belen para sa pag-aara mo. Hindi ka pwedeng huminto sa pag-aaral."

"Pero Ate... hindi pwedeng bumalik ka sa Tuguegarao."

"Magpapatulong tayo kay Aling Belen para makapag-aral ka parin kahit ako na lang muna ang magtatrabaho."

"Ate..."

Niyakap ako ng buong-higpit ng aking kapatid. "Basta ipangako mo lang sa akin na pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral."

"Pangako, ate."

"Sige na at matulog na tayo. Inaantok na ako," pagod kong sabi saka pinunasan ang mga luha sa aking mga mata.

Imbes na sa kabilang kwarto matutulog si Yshie ay mas nais niyang tumabi sa akin. Palibhasay hindi sanay na malayo sa akin ang kapatid kong ito. She's 10 years old samantalang ako ay disinuwebe pa lamang.

Pagdating ng kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas singko pa lamang ng madaling-araw ay hinanap ko na si Aking Belen.

"Aba'y ang aga mo namang nagising, hija? Gutom ka na ba?"

"Naku, hindi po, Aling Belen. Itatanong ko lang po sana kung ano'ng pwedeng kong trabahuin sa araw na ito?"

"Masyado pang maaga. Alas otso hanggang alas singko lang ng hapon ang maging trabaho mo rito bilang taga-linis sa malawak na kwarto ni Sir Cassian. Kada-lunes papalitan mo ang lahat ng kurtina roon at pati punda, kumot at bed sheet."

"Ano pa po?" tanong ko pa.

"Iyon lamang at ang monthly salary mo ay nasa bente-singko mil."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "Sigurado po ba kayo at totoong hindi nagbibiro?"

"Oo naman, ayaw mo ba no'n?" kunot-noong tanong ni Aling Belen sa akin.

"Ang laki po pala ng sasahurin sa isang tulad kong katulong lamang."

"Ibahin mo ang mga Alcantara, hindi sila tulad ng ibang mayayaman. Tayo ay itinuring nilang pamilya."

Doon narin ako nagkaroon ng pagkakataon na magpatulong kay Aling Belen regarding sa pag-aaral ng kapatid kong si Yshie. Humingi ako ng tulong para naman hindi maputol ang pag-aaral ng kapatid ko.

Ako na high school lang ang natapos at nangangarap pa rin na makapagtapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 8

    Malakas ang kutob kong na brain wash siya ng babaeng nagngangalang Tamara. "Sandali, ano'ng nangyayari ri—" Nagulat ako ng mag-tama ang mga mata namin ni Mrs. Alcantara. "Who are you?" pagdakay ani Mrs. Alcantara. Napasulyap ako kay Mr. Alcantara at inayos inayos ang suot niyang glasses. "Hija, salamat ng marami sa pagligtas sa akin. Ibig sabihin ay kayo ang kinuwento sa akin nina Danilo at Teresita, hindi ba?" "Mawalang-galang po, Mr. Alcantara. Opo, siya nga po, actually po kasama niya ang kapatid niyang si Yshie." "Kapatid?" pansin kong kumunot na muli ang noo ni Mrs. Alcantara. "Opo, may kapatid po akong babae." "Pwede ko ba siyang makita?" "Oo naman po, sandali lang po at tatawagin ko," excited kong sabi saka napasulyap kay Aling Belen. "Patty, Rowena, dali kayo rito at dalhin niyo si Yshie!" tawag ni Aling Belen sa mga anak. "Opo, nay!" halos sabay na sagot ng dalawa. "Ka edad nina Patty at Rowena ba ang kapatid mong si Yshie, hija?" tanong ulit ni Mrs. Alcantara.

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 7

    "Kinakabahan ako sa pagdating ng mga Alcantara." "Bakit naman, Ate?" "Dahil sa babae na ang pangalan ay Tamara. Malakas kasi ang kutob kong isa siya sa dahilan sa insidenteng nangyari kay Mr. Alcantara. Kaya huwag kang hihiwalay sa akin mamaya, ha?" "Pangako, ate." "Mabuti naman, sige na at mag-umpisa na tayo." Kahit na sabihing mag-check lang kami ay tumulong na kami sa ilang gawain sa kusina kahit na nga sabihing panay sabi ng mga kawaksi na huwag, kaya lang masyado kaming mahilit na magkapatid. Pati sa pagluluto ay ako pa mismo ang nagtimpla ng ilang mga rekados na ihahanda. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay natapos ang lahat ng mga gawain sa kusina. Nagpasya na rin ang lahat na magpahinga. Dumiretso kami ni Yshie sa aking silid. "Pasensiya ka na ate. Hayaan mo at uugaliin kong matulog sa silid na mag-isa. Pero ngayon, mas gusto kong katabi ka." "Masasanay ka rin." Nahiga kami sa malambot na kama. "Ate, ang kwintas ko nawawala!" bulalas ni Yshie. "Huwag ka

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 6

    HINDI ko maintindihan ang kakaibang kaba sa aking puso. Kasalukuyang nakahiga na ako sa kama at tulad kagabi ay katabi ko parin sa pagtulog ang kapatid kong si Yshie. Palibhasay hindi sanay na hindi kami magkatabi matulog. Hindi parin kayang balewalain ng aking isipan ang nakitang larawan kanina sa kwarto ni Sir Cassian. Posible bang may koneksyon ang kwintas na suot namin ng aking kapatid? Napasulyap ako sa aking kapatid na ngayo'y mahimbing na natutulog. Naisipan kong tanggalin sa leeg nito ang suot nitong kwintas at gano'n din ang ginawa ko sa akin. Itatago ko na muna ang mga kwintas namin at hindi pwedeng ma-expose at baka mapagkamalan pa kaming magnanakaw. Mahirap na at wala na talaga kaming mapupuntahan na magkapatid. Hindi talaga mawaglit sa aking isipan kung bakit kapareho ang suot naming kwintas ni Yshie sa larawan na nakikita ko sa kwarto ni Sir Cassian. Ano'ng koneksyon? Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip. Nagising ako ng maaga.

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 5

    HINDI parin nawawala sa aking isipan ang sinasabi ni Aling Belen. Narito ako ngayon sa kwarto ni Sir Cassian kung saan busy sa paglilinis. Hindi naman mahirap linisin dahil konting alikabok lang meron at mas mabilis akong natapos.Hindi ko nga namalayan ang oras. Kung hindi pa ako kinatok ni Yshie ay malamang hindi ko malalaman na oras na pala ng pananghalian."Masyado kang seryoso ate.""Oo naman para walang ika-pintas sa atin si Sir Cassian.""Tumulong ako kay Aling Belen sa kusina. No'ng una ayaw niya pero dahil makulit ako kaya wala siyang nagawa," nakangiting sabi sa akin ng kapatid."Dapat lang, hindi pwedeng wala kang gagawin. Kung sa tingin mo'y may dapat kang tulungan, aba, dapat lang na gumawa ka rin. Kung tamad ka ay huwag kang kakain," sabi ko pa. Mula sa silid ni Sir Cassian ay lumabas na kami ni Yshie. Dumiretso na kami sa kusina kung nasaan ang lahat na kasalukuyang naghihintay sa aming magkapatid. "Sa wakas at narito na ang dalawa. Halina at tayo'y kakain na," nakang

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 4

    Tinawagan ko kaagad ang adviser ng aking kapatid at pinaalam ang nangyaring hindi maganda sa bahay namin. Para may pruweba ay sinabihan ko itong pwedeng bisitahin ang aming maliit na kubo kung saan kami nakatira ng aking kapatid. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong magkapatid, Liora.""Pasensiya na po talaga at kailangan naming umalis na Tuguegarao, Mrs. Francisco.""Kung kaligtasan niyo naman ang dapat protektahan ay walang problema, pero possible na hihingin parin ng paaralan ang ilang dokumento tulad ng report card, birth certificate and form 137.""Pwede naman siguro po i-send niyo sa akin through online, like photocopy lang po siguro," pakiusap ko pa."Alright, i-send ko sa'yo. Sabihin mo nalang sa paaralan na pag-transferan ni Yshie na due to safety reasons ay online copies muna ang maibibigay niyo. Ipa-follow-up nalang ang original documents."Lumawak ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ni Mrs. Francisco. Samantalang tutulungan naman ako ni Aling Belen na makapasok s

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 3

    Kapwa kami nagulat ni Yshie nang masilayan ang tila old house na yari pa sa panahon ng Espanyol.Mula sa kotse ay bumaba kami ni Yshie. Pansin kong may dalang ilang groceries si Manong Danilo. Ibig sabihin ang lahat ng dala niya ay para rito? Ilang tao ba ang narito sa lumang-rest house na ito? "Ate, ang laki at sobrang ganda," mahinang sabi ng aking kapatid na tulad ko'y namangha rin sa laki at lawak ng naturang rest house. May malaking gate na halatang kagagaling lang sa renovation. May ilang cameras sa bawat area kaya malalaman talaga kung sino ang magnanakaw. May apat na guards pa. "Maligayang pagdating, Manong Danilo," sabay na bati ng mga guards kay Manong Danilo. Nakangiting bumati naman pabalik si Manong Danilo sa mga ito saka kami ipinakilala. "Si Liora at ang kanyang kapatid, sila ang ilalagay namin dito ni Manang Teresita niyo na mag-aalaga nitong rest house.""Maligayang pagdating, Ms. Liora at Ms. Yshie," halos sabay ding sabi ng apat na guards sa aming magkapatid. P

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 2

    "SANDALI, sino kayo?" Kakarating ko lang galing sa paglalako ng Biko at gano'n na lamang ang gulat ko ng umiyak ang kapatid kong si Yshie."Ate..."Nadatnan ko ang ilang lalaking armado na may dalang-baril. Halos hindi ako makahinga na tila ba biglang namanhid ang aking buong-katawan. Sino ang mga

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Kabanata 1

    "WAKE UP!" "Hmmm..." ungol ko na tila tamad pang idilat ang mga mata. Pagdakay nagulat ako sa ilang mura na pinakawalan ng tila boses ng isang lalaki. Awtomatikong idinilat ko ang aking mga mata. Saka ko napagtantong nasa loob nga pala ako ng kotse sa may likuran natutulog. Nagproseso kaagad sa

  • Operation: Break The Billionaire's Heart    Simula

    KUMUNOT ang aking noo nang may marinig na pagsabog. Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Yshie."Ate, ano iyon?" "Sandali at titingnan ng ate," sabi ko. Kinakabahan man ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana. Sumilip, at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang magarang kots

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status